Ilocano ako at kilala kami sa pagiging kuripot. I think panahon nang burahin ang pangit na pagbibigay kahulugan sa pagiging kuripot.
Masaya at maginhawang maging kuripot.
Here’s how to be “smart-kuripot.”
Wais sa pera
Ang mindset ng smart-kuripot, hindi pinupulot ang pera kundi pinupuhunanan ng dugo at pawis. Mahirap kumita nang pera kaya wais dapat ang paggamit nito.
Dapat inuuna ang mga pangangailangan at ito ang ipinagmamayabang. Kapag inuuna mo ang pangangailangan ng pamilya mo, ibig sabihin: isa kang mabuting magulang sa mga anak; uliran sa mga magulang; at matulungin sa mga kamag-anak. (Watch: Helping other financially)
Recognized namin na nakakapagpagaan ng buhay ang wants pero mas mahalaga ang obigaysong punan muna ang mga basic needs bago magpakasasa sa mga luho. Something that smart-kuripots are proud of. (Basahin: Epektibong paraan na matustusan ang wants)
Good use of loan
Ang smart-kuripot, nangungutang lang kung gagamitin sa bagay na kumikita tulad ng negosyo at investment. Pinag-iipunan naman niya kung para sa needs; at gumagawa ng passive income kung wants ang tutustusan. (Basahin: Tamang gamit ng loan)
Sulit
Value for money ang hanap ng mga smart-kuripot. Naghahanap nang mura pero alam na quality o kaledad ang inuuna.
Humahanap ng balanse sa presyo at tibay sa mga binibili. Ang makapagbibigay ng best value for money ang tinatangkilik. (Basahin: Mabisang paraan na makaipon nang hindi nagtitipid)
Kung may isunuksok, may mabubunot
Ang pinaka-criticism ng marami sa mga kuripot ay sa kanilang tila labis na pagtitipid. Ang tunay na smart-kuripot, marunong magdala at marunong lumugar.
Pinipili niya ang mga taong nakapaligid sa kaniya – yung mga good influence na makapagpapayaman sa kaniya, hindi yung mga taong mangungunang pang ipasubo siya. Kumakalas sa mga taong bad vibes, nega at walang direksyon sa buhay. (Read: How to expand your network)
Mas binibigyang halaga ng smart-kuripot ang pagkakaroon ng pera sa bangko kaysa sumunod sa uso sa mga gadgets, damit, bakasyon, gimmick at iba pang luho. Mahalaga sa kaniya ang makakatulog nang mahimbing knowing na may sapat siyang ipon sa bangko.
Master din niya at expert sa pag-practice ng delayed gratification. Naniniwala na may tamang panahon ang lahat. (Read: Kailan ka magiging mayaman?)
Hindi kinakailangang mag-apura. Slowly but surely kung pumuntirya ng financial goals.
Independent
Taas-noo ang mga smart-kuripot dahil alam nilang maasahan nila ang kanilang sarili at hindi kinakailangang magpasaklolo sa iba. May certain level of confidence sila that is deeply rooted in knowing who they really are, what makes them happy at kung ano ang priorities nila.
Kaya, very firm silang magsabi ng “no.” Marami ang nao-offend dito o kaya ay naiirita pero ang totoo, this is a very good sign that they are in control and disciplined in their finances. (Read: Paano magsabi ng “hindi” para hindi maantala ang financial success)
Every sentimo counts
Hindi mabubuo ang isang milyon, kung walag sentimo – mantra ng mga kuripot smarts. Naniniwala sila advice ni Warren Buffett na, “Do not lose money.” They take this to heart at hindi ginagawang biro. (Basahin: Bakit mali ang “invest what you can afford to lose”)
Malayo ang mararating ng piso kapag sila ang binigyan ng responsibilidad sa pagba-budget. They are able to stretch the peso as far as it can reach. Mauubusan na ang iba, sila sagana pa.
For the “near” future
Ang isa sa mga sikreto ng mga smart-kuripot ay ang ability nila to find happiness or joy in simple things. Alam nila kung ano ang mahalaga sa buhay at hindi kinakailangang gumasta nang malaki para maging masaya. (Basahin: Galit – sagabal sa financial success)
Habit nila ang mag-save, hindi dahil gusto nilang parusahan ang sarili nila, pero pinapalago nila ang kanilang investments para magkaroon ng additional source of income. Ito ay dagdag sa kanilang planong magkaroon ng multiple sources of income. (Watch: 5-15-20-60 budgeting rule)
Naniniwala sila na ang pinakamabilis na paraan ng pagyaman ay kung magdadahan-dahan.