was successfully added to your cart.

Cart

Budgeting made easy: Ang 5-15-20-60 rule sa budgeting

Karamihan sa mga budgeting tools ay para makapag-focus ka sa iyong mga gastusin at mabantayan mo ito lagi.  Ngunit maraming tao ang nahihirapan sa ganito sa iba’t ibang dahilan.

Una, wala silang tiyak na panuntunan kung magkano dapat ang bawat item.  Ikalawa, napakaraming  pagkakagastusang item.  Ikatlo, mahirap ipag-classify ang mga gastusin.  Ang ilan ay mula sa gastos sa mga pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain at transportasyon. Ang iba naman ay mula sa mga utilities at subscriptions, na lingguhan o buwanan ang bayad.

Nariyan din ang mga kailangang gastusan at mga emergency na gastusin na hindi mo matantya kung magkano.  Hindi mo na minsan alam kung saan at paano ililista, hanggang sa sumuko ka na lamang.

Ang ikaapat at pinakamahalagang dahilan sa hindi pagba-budget ay karuwagan sa pagharap sa katotohanan.

Sa pagba-budget, sundin ang 5-15-20-60 rule.

Una, itabi ang 5% ng buwanang sahod para bumili ng insurance o para bayaran ang insurance premiums, 15% sa ipon, 20% sa mga hiniram, at 60% para sa mga gastusin.

Ang lahat ng porsyento ay dapat na nakabatay sa gross salary at hindi sa net salary. Ang ibig sabihin nito, kita muna bago buwis at hindi pagkatapos ng buwis.

Kapag tiningnan natin ang figures bago ang buwis, hindi makakasabay ang ating ipon at insurance sa inaasahan nating halaga ng ating mga gastusin.  Mas magiging magastos ito kaysa sa ating inaakalang kaya natin.

Ang kagandahan ng 5-15-20-60 rule ay ang kasimplehan nito.  Nawawala ang mabusising pag-iisa-isa ng mga bagay na gagastusan na karaniwang nauuwi sa kakapusan ng cash para sa insurance at savings.

Nagagawa nitong makabuo ng budget para sa mahahalagang elemento para sa epektibong personal financial management muna, at ang budget para sa iba pang gastusin sa susunod.  Sa ganitong kaso, okay lang anuman ang gastusin mo basta’t may  nakalaan para sa iyong insurance at mga pinagsama-samang ipon.

Hayaan mong ipaliwanag ko ng mas detalyado.

Insurance

Bakit ko kailangang gumastos ng 5% ng aking kita para sa insurance?  Sapagkat kailangan mong  protektahan ang iyong mga pinakamahalagang asset. Ikaw!

Lalo pa’t kung ikaw lamang ang nagtatrabaho para sa pamilya.  Ang halagang naka-budget para sa premium ay sobra pa para makabili ng term insurance at health insurance.

Tandaan lamang ang isang bagay, iwasan ang mga investment-linked insurance policies anuman ang mangyari.  May mga panuntunan na kailangan mong sundin kapag bibili ng insurance ngunit ibang usapin rin ito.

Savings

Disente na ang 15% na itatabi para sa ipon mula sa iyong kita.  Mungkahi ko na magbukas ng iba pang savings account kung saan puwedeng ilagay ang iyong budget para sa savings at insurance, para mas maayos.

Ang layunin mo ay makapag-ipon ng siyam na buwang katumbas ng iyong mga gastusin o anim na buwang katumbas ng iyong kita para sa emergency savings.  Alam kong iba’t iba ang kahulugan ng emergency sa bawat tao.

Sa ganitong kaso, binibigyang-kahulugan ang emergency  bilang life and death situation.  Ang savings ay hindi dapat na kunin hangga’t hindi talaga kailangan.  Ang emergency savings mo ay dapat na nakatago sa isang napakaligtas na savings na maaari mong makuha kapag kinakailangan.

Utang

Kung mayroon kang mga utang , limitahan ang amortization o ang installment payment sa 20% ng iyong kita.  Kapag nagbayad ka ng higit pa rito, nanghihiram ka ng higit pa sa kakayanan mong halaga ng utang.

Kapag natagpuan mo ang sarili sa ganitong senaryo, tigilan na ang pangungutang pa.  Puwede kang makipag-usap sa nagpahiram sa ‘yo para sa terms and conditions ng iyong loan. I-check ang paraan mo ng pamumuhay at mabuhay lamang ayon sa iyong kakayanan.

Sa karanasan ko bilang trainer sa personal finance, lagi kong nahahanap ang mga lubog sa utang at iyong may mga mabibigat na bagahe sa buhay.  Harapin ito at kontrolin ang personal financial challenges.

Laging tandaan na manghihiram ka lamang ng pera kung gagamitin sa higit na produktibong bagay na makapagbibigay ng dagdag na kita.  Kung hindi, huwag na lamang manghiram ng pera.

May mga panuntunan kapag manghihiram ng pera, at oo, puwede kang mabuhay ng walang utang.

“Wala akong utang.”  Nangangahulugan ba nito na maaari ka nang gumastos ng malaki?  Ang sagot rito ay oo at hindi.

Oo, kung mayroon kang sapat na passive income kung saan maaari ka nang magretire financially.  Hindi, kung wala kang passive income.

Sa aking karanasan, wala sa mahihirap o middle class ang financially retired.  Kaya’t mababa ang tsansa na gamitin mo ang percentage ng iyong kita para ang 60% budget ay maging 80%.

Investments

Nasa mabuti kang personal financial position kung wala kang utang.  Ibig sabihin nito ay may disposable income ka para sa investments na makakalikha ng passive income.

Kapag nasa ganito kang senaryo, magsaliksik ng mga investment vehicles na maaaring makapagbigay sa ‘yo ng mga passive income tulad ng paupahan o rental income, interest income, dividends, capital gains, at royalties.

Ngunit kailangan kitang balaan, pag-aralang mabuti ang mga panganib kaugnay ng investing.  Isaalang-alang kung ang profit o kitang nakukuha mo ay mas mabigat kaysa sa mga risks o panganib na kaugnay ng investment vehicle o instrument.

Alalahaning ang kaalaman sa kung ano ang pinapasok mo ay nakakabawas sa mga posibleng panganib dahil maaalam ka sa desisyong ginawa mo.

Expenses

Ang 60% budget ay kailangang sapat na para sa mga gastusin.  Huwag hayaang lumabis pa rito ang gastusin.  Panahon na para tingnan ang iyong lifestyle kung magastos ka ngayon at nasasakripisyo ang savings at insurance payments.

Tanggalin na ang mga hindi naman kailangan at bawasan ang gastos sa mga luho na hindi mo naman talaga kaya.  Bigyang priority ang pagpapatatag sa iyong pinansya na nangangahulugang bigyang importansya ang insurance at savings bago gumastos ng iba.

Sundin ang mga simpleng panuntunang ito at magtagumpay sa iyong pinansya ng mabilis kaysa sa inaakala mo.

Para sa mga walang regular na kita, kunin ang inyong average monthly income, at ito ang gamitin sa pagkalkula gamit ang 5-15-20-60 budgeting rule.  Maaari mo itong gawin nang mabilis sa pamamagitan ng pagkuha ng average ng naging pinakamataas at pinakamababa mong kita sa loob ng isang taon.  Ang higit na tamang opsyon ay kunin ang 12-month average ng iyong kita.

Maglalahad ako ng anim na halimbawa para ipakita kung paanong ang gumagana ang 5-15-20-60 budgeting rule.  Ang mga senaryo ay 1.) mga karaniwang kumikita ng minimum wage sa Pilipinas; 2.) micro-enterpreneurs; 3.) ang mga empleyadong nasa gitna pataas na lebel ng management positions; 4.) self-employed na professionals; 5.) temporary migrants o OFWs na may planong bumalik; at 6.) mga permanent migrants o OFWs na naging citizen o permanenteng residente sa mga bansa kung nasaan sila.

 

 

vincerapisura.com


3 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: