Dumadalas ang mga OFW na nagtatanong sa akin kung puwede daw ba silang pumirma sa insurance policy na binabalak nilang bilhin mula sa Pilipinas. Ang mga OFW kasi ang karaniwang breadwinner ng pamilya kaya naiintindihan ko ang kagustuhan nilang magkaroon ng life insurance coverage.
Article 1409 ng civil code
Nakasaad sa Article 1409 ng civil code na “one of the void and inexistent contracts is where it is expressly prohibited or declared void by law.” Paano ang application nito sa pagbebenta ng insurance?
Ang mga insurance agents at insurance companies sa Pilipinas ay pinagbabawalang magbenta ng insurance sa abroad dahil ang kanilang lisensiyang iginawad o ibinigay sa kanila ay epektibo lamang sa Pilipinas.
Kaya hindi advisable na pumirma ng insurance policy habang nasa abroad. Hindi babayaran ng insurance company ang claim sakaling may masamang mangyari dahil void ang policy dahil ito ay hindi pirmado sa Pilipinas.
Humanap ng matinong insurance agent
Isang senyales na commission ang habol ng insurance agent mo ay kung sasabihin niyang maari mong pirmahan ang insurance policy kahit nasa abroad ka. Ang iba naman ay nagsasabing unahin na ang pagbabayad sa insurance premium at saka na lang pipirmahan ng OFW ang insurance policy kapag umuwi ng Pilipinas. (Basahin: Mga katangian ng mabuting insurance agent)
Ang mas malala pa nito, may mga agents pang namimilit na ang beneficiary ang siyang ibilhan ng insurance sa Pilipinas at beneficiary ang OFW. Nababaliktad dahil ang breadwinner ay walang insurance at ang dependent ang siyang nilagyan ng insurance coverage.
Kapag ganito ang mga iprinisitang options sa inyo, tanggihan ang insurance agent at i-report agad sa insurance company nito.
Alamin ang insurance coverage bilang OFW
Marami sa ating mga OFWs ay nagtatrabaho sa mga kumpaniya o may mga employers na nagbibigay ng insurance coverage – medical at life. Alamin kung anu-ano ang mga terms and conditions nito. (Basahin: Mga terms and conditions na kailangan mong malaman tungkol sa insurance)
Kinakailangang sapat ang insurance coverage mo ayon sa iyong pangangailangan. Tandaan na kapag ikaw ay may dependents, iminumungkahi kong magkaroon ng 10 years worth of your annual salary na katumbas na life insurance. Sa medical insurance naman ay katumbas ng isang taong kita. (Basahin: Iba’t-ibang klase ng insurance)
Kung may sapat ka nang insurance mula sa iyong employer, maaring hindi na muna kumuha ng insurance sa Pilipinas dahil sapat naman ang coverage mo abroad. Kapag magfo-for good na, saka na lang bumili pag nakabalik na sa Pilipinas. (Basahin: Magkano ba dapat ang life insurance?)
Siguraduhing sumunod sa batas
Sa susunod na bibili ng insurance, siguraduhing nasa Pilipinas kapag pumirma ng insurance policy. Maghanap ng maayos na insurance agent para siguradong kapakanan mo ang priority.
Alalahaning ang life insurance ay para sa income replacement kaya ang policy holder dapat naka-pangalan sa breadwinner at hindi sa dependent. (Basahin: Ang pinakamura at pinakasulit na life insurance)
I-cover ang kulang na life insuranc coverage na ibinibigay ng employer. Maari itong bilhin sa bansang kinalalagyan kung hindi kaagad makakauwi sa Pilipinas.
Kung susundin ang mga ito, makakaiwas sa unlawful na pagbili ng insurance policy.
Sir vince ok lang po ba na mag invest sa bdo life.
Hi Sir Vince,
Follow up po sa concern ni Jane Acebron, I have same concern din po, health care plan with insurance.
Thank you po
Hi Sir Vince,
Kasama po b dito ang Long Term Health Care. Hmo, po
Currently working po ako now abroad gusto ko po sanang kumuha ng Hmo ko sa Pinas, Para po mag for good n ako, ito po ang magsusuport sa akin pag tanda ko.
Marami pong salamat.
hi sir vince naka bili po ako ng insurance gamit ung credit card ko kasi sa online ko sya na bili sa Axa ang problema wla silang senend saakin na policy at dko rin alam ang policy number ng insurance ko kasi receipt lang binigay nila..nasa abroad din ako at term insurance ang kinuha ko PLEASE ADVICE.
Let me research on this. Hindi ka in-assist ng insurance agent?
Pano po kaya yung mga seaman?so ndi covered kung may mangyari ng wala sila sa Pilipinas?
Sir, applicable lang po yung sinasabi ko sa pag-pirma ng insurance policy Kailamgan nasa Pilipinas kapag pumipirma para ito ay effective. Kapag napirmahan sa Pilipinas at pagkatapos ay sumakay ng barko, covered kayo.
Ano pong pwedeng gawin kung nakabili na?
Itigil po ang bayad kasi null and void po yan. I-normalize muna ang documents pag-uwi ng Pilipinas bago ituloy ang pagbabayad. sa totoo lang, dapat i-refund sa iyo ng insurance company ang ibinayad mo at i-report mo ang insurance agent mo dahil di ka na-advice nang mabuti.
Hi Sir Vince! Thank you for sharing this information. How about Healthcare plan plus insurance? Considered null and void din ba if you get a plan while you were still in abroad? Thank you and more power to you.
Let me check if one needs a license to sell pre-need plans. I assum they are. If I am correct, same policy lang po.