Gumawa ako ng ranking ng mga life insurance companies for 2017 base sa tatlong indicators – return on equity, capital adequacy at return on assets. Nauna ko nang nailabas ang mga ito. Ang calculations ay naka-base sa inilabas ng insurance commission na figures tulad ng: assets, premium income, net income, net worth at paid up capital.
Ang mga susunod na impormasyon tungkol sa company review ng Manila Bankers Life Insurance Corp. (MBLI) ay naka-base sa mga impormasyon sa itaas at karagdagang pananaliksik sa Internet. Ang opinion na inilalahad ko dito ay base sa limitadong impormasyong aking nakalap.
Huwag ituring ang report na ito bilang financial advice o suggestion. Use the information at your own risk.
Uulitin ko lang po na hindi ako nagrerekomenda ng kung anumang insurance company at ng kanilang mga produkto. Ipinapakita ko po ito sa inyo upang matuto kayong maging mapanuri sa pagpili ng insurance company.
Manila Bankers Life Insurance Corp.
Indicator | Points |
Capital Adequacy | 10 |
Return on Assets | -5 |
Return on Equity | -5 |
Total | 0 |
Ayon sa figures ng insurance commission, nasa PhP59 million ang lugi ng MBLI noong 2017 at PhP20 million naman noong 2016. Ito ang dahilan kung bakit mababa ang ROA at ROE nito.
Ang capital adequacy ratio ng MBLI ay 56%, nasa health level. May PhP250 million capitalization ang MBLI. Kung magpapatuloy ang losses nito na PhP59 million noong 2017, mauubos ito in four years.
Tumingin ako sa internet ng karagdagang impormasyon tungkol sa kanila pero halos wala akong makitang press release mula sa kanila. May mga ibang bloggers din na nagsasabi ng “foul” marketing strategy practice ito.
Totoo man o hindi, magandang malaman niyo ito mismo at i-clarify, sakaling balak niyong kumuha sa kanila ng policy.
Related Information: