was successfully added to your cart.

Cart

2018 Insurance Company Review: East West Ageas Life (EWAL)

Gumawa ako ng ranking ng mga life insurance companies for 2017 base sa tatlong indicators – return on equity, capital adequacy at return on assets. Nauna ko nang nailabas ang mga ito. Ang calculations ay naka-base sa inilabas ng insurance commission na figures tulad ng: assetspremium incomenet incomenet worth at paid up capital.

Ang mga susunod na impormasyon tungkol sa company review ng East West Ageas Life (EWAL) ay naka-base sa mga impormasyon sa itaas at karagdagang pananaliksik sa Internet. Ang opinion na inilalahad ko dito ay base sa limitadong impormasyong aking nakalap.

Huwag ituring ang report na ito bilang financial advice o suggestion. Use the information at your own risk.

Uulitin ko lang po na hindi ako nagrerekomenda ng kung anumang insurance company at ng kanilang mga produkto. Ipinapakita ko po ito sa inyo upang matuto kayong maging mapanuri sa pagpili ng insurance company.

East West Ageas Life

IndicatorPoints
Capital Adequacy10
Return on Assets-5
Return on Equity-5
Total0

 

 

Ayon sa figures ng insurance commission, nasa PhP898 million ang lugi ng East West Ageas kaya napakababa ng ROA at ROE nito. Ang saving grace nito ay ang kaniyang capital adequacy na nasa 66%. In fact, ranked 6th ang East West Ageas sa ratio na ito.

Nasa PhP1.5 billion ang net worth ng East West Ageas. Kung, and this is an assumption, magpapatuloy ang ganito kalaking lugi ng East West for 2017, in two years ubos na ang kanyang net worth.

Noong 2016, nai-report din ng Insurance commission na may lugi itong PhP713 million. In my opinion, mukha namang kayang mag-infuse ng fresh capital to account for this losses ang mga nagmamay-ari ng kumpaniya. Pero ang tanong dito ay hanggang kailan nila ito gagawin.

Bagong insurance company ang East West Ageas na binuo sa pamamagitan ng joint venture ng EastWest Bank at ng Belgium-based insurer Ageas Insurance International N.V. (Ageas). Nabigyan ito ng lisensiya ng insurance commission noong December 22, 2016.

Maaring nasa birth pains pa ang kumpaniya, kaya din losses pa ang operations.

Related information:

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: