Ang Republic Act 11199 na naglalayong palawakin ang duties and powers ng Social Security System (SSS) ay pinirmahan ng pangulo noong February 15, 2019. Isa sa mga magagandang karagdagang SSS benefits sa bagong batas ay ang pagkakaroon ng involuntary separation benefit.
Authorized involuntary separation
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang involuntary separation ay kapag natanggal ka sa trabaho dahil sa mga sumusunod:
- installation ng labor-saving devices o ang paglalagay ng employer ng makabagong kagamitan para mabawasan ang trabaho
- redundancy o ang sitwasyon kung saan nagkakaroon ng kalabisan sa kinakailangang trabaho ng employer para gampanan ang isang tungkulin
- retrenchment to prevent losses o ang pagtatanggal sa trabaho ng mga empleyado para mapigilan ang pagkakaroon ng lugi sa panig ng employer
- closure and cessation of business o ang kabuuan o partial na pagsasara ng operations o shutdown ng negosyo ng employer
- disease or illness o pagkakasakit
Sa palagay ko, ang authorized involuntary separation lang ang saklaw ng batas.
Dismissal
Malamang hindi saklaw ng involuntary separation benefit kung ang dahilan ng pagkakatanggal sa trabaho ay dahil sa dismissal. Ito ang mga iba’t-ibang dahilan ng dismissal:
- serious misconduct o ang may malisyang hindi pagsunod sa policies ng employer
- willfull disobedience o ang may malisyang hindi pagsunod sa management; tinatawag din itong insubordination
- gross and habitual neglect of duty – hindi katanggap-tanggap na palagiang pagganap sa trabaho
- fraud or breach of trust o pandaraya o pagkawala ng tiwala dahil sa pandaraya
- pagkamit ng krimen o opensa laban sa employer, ng kainyang pamilya o representatives nito
Magkano ang matatanggap?
Kapang ang isang miyembro ay nagbabayad ng maximum salary credit, makakatanggap siya ng Php10,000 kada buwan for a maximum of two months. Ang mga involuntary unemployed members ay makakatanggap ng benefit katumbas ng 50% ng kaniyang average monthly salary credit for a maximum of two months.
Baby steps
Marami ang magsasabi na kulang pa rin ito kapalit ng pagkatanggal sa trabaho pero sa palagay ko these are baby steps para ma-improve pa ang ating unemployment benefits in the future. May mga safeguards at karagdagang danyos pa rin namang makukuha mula sa employer kung ang dahilan ng ay authorized involuntary separation.
At the end of the day, ang pinakamahalaga pa rin ay mag-ipon at mag-invest habang may kinikita para sa gayon ay maging handa kapag nawalan ng trabaho. Focus on creating passive income para hindi mangamba kapag nawalan ng trabaho.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Hi Sir Vince! Hindi po ba saklaw dito ang OFW na uuwi na, at gusto Lang mag negosyo sa Pinas? Salamat po sa sagot. God bless!