Isang paraan sa pagiging financially independent ay ang pagtayo ng sariling business. Hindi ito madaling gawin dahil kailangan mo ng maayos na business plan, sapat na capital at mabuting pag-intindi sa iyong customers.
Para sa micro, small to medium enterprises (MSMEs), mas challenging ito dahil kalaban nila ang mga international at mas kilalang brands.
Bakit Kailangan natin ang #LoveLocal?
Importante ang pagsuporta sa MSMEs dahil tumutulong ito sa pag-reduce ng poverty sa bansa sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho sa maraming Pilipino. Isa din itong paraan para maipakita ang ating pagiging makabayan.
Sa ating pagtangkilik ng mga lokal na produkto, nagbibigay tayo ng puhunan at chance sa MSMEs na mapaganda pa ang kanilang produkto. Kung tuloy-tuloy ang success ng isang MSME, maari silang mapansin ng ibang bansa at maging opportunity ito para makapag-export sa labas ng Pilipinas.
Malaki ang kabutihan naidudulot nito sa ating ekonomiya.
Buyanihan Summer Bazaar
Mahigit sa 20 MSEs ang kasali sa “Buyanihan Summer Bazaar” ng Shared Aid Fund for Emergency Response, Inc. (SAFER) sa UP Town Center (Activity Center A) na gaganapin sa March 30 – 31, 10am – 10pm. Karamihan sa mga produktong ibebenta ay hand-made at eco-friendly.
Pasok din sa bulsa ang presyo!
Maliban sa makakatulong na kayo sa SMEs, makakatulong din kayo sa mga disaster-affected communities dahil ito ay isang fundraising para sa SAFER Foundation. Ang portion ng kita mula sa Buyanihan Summer Bazaar ay mapupunta sa disaster response program ng SAFER.
Ang bazaar ay sponsored rin ng UP Town Center at Aji Events Management Services. Inaanyayahan ko kayon suportahan ang sariling atin. At the same time, tulungan natin ang ating mga kababayang nangangailangan ng tulong.
Kita-kits!
Official media partner: DZUP 1602
For questions, email ajemir.vir@gmail.com
To sign up as a merchant, visit https://bit.ly/2WPPga6
To know more about SAFER Foundation, visit:
www.instagram.com/saferphilippines
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management