Morong, Bataan – Nitong nakaraang linggo, laman ng balita ang SSS dahil sa nakaabang na karagdagang pagtaas ng pension by another PhP1,000 nitong 2019. Ipinahayag ni Emmanuel Dooc, SSS President and CEO, na kinakailangan na daw magdagdag ng kontribusyon ng mga SSS members para matustusan nito ang pagtaas ng benepisyo ng mga pensioners.
SSS benefits
Ang Social Security System (SSS) ay isang Government Owned and Controlled Institution (GOCC) na nagbibigay ng universal (para sa lahat) at equitable (karampatan) na social protection.
Ang mga social protection benefits na ibinibigay ng SSS ay ang mga sumusunod: retirement, funeral assistance, death benefit pension, disability pension, maternity pension at daily cash allowance sa pagkakasakit. Nagbibigay din ng serbisyong pautang ang SSS sa kaniyang mga miyembro. (Read: Dapat ba akong kumuha ng SSS?)
7 years fund life
Ayon pa kay Ginoong Dooc, iikli ang fund life ng SSS dahil sa pagtaas na mga benepisyo. Kung gagamitin ang 2019 as base year, pitong taon na lang daw ang fund life nito.
Fund life ang tawag sa tagal ng panahon na aabuting maubos ang pondo ng isang pension fund para sa pagbibigay ng benepisyo sa mga miyembro nito.
Bago ang pension increase last year na karagdagang PhP1,000 sa mga pensioners, hanggang 2042 ang fund life ng SSS. Umikli ito sa 2033 at magiging sapat na lang hanggang 2026 ang fund value kung matutuloy ang pension increase next year.
Pension
Itinaas ang SSS pension sa minimum na PhP6,000 kada buwan para sa mga miyembro ng SSS. Ito ay para naman maibsan ang gastusin ng mga pensioners dahil sa pagtaas ng bilihin.
Kung ang SSS lang ang aasahan ng isang pensioner para sa kaniyang gastusin, kulang na kulang ito. Kaya welcome din ang pagtaas nito pero ang naging negatibong epekto nito ay ang pagbaba ng kaniyang fund life.
Ang ibig sabihin nito ay maaring maubusan ng pondo para sa pension nila ang mga susunod na magre-retire kung walang gagawin ang gobyerno at ang pribadong sektor. Kailangang balansehing mabuti ang pension na ibinibigay dahil baka maitulad tayo sa bansang Greece na bumulusok ang ekonomiya dahil sa di-umanong kalabisan ng pension na ibinibigay nito sa kaniyang mamamayan.
Republic act 8282
Nakalagay sa Section 21 ng Republic Act 8282 na ang mga benepisyong ipinapangako ng SSS ay hindi puwedeng bawasan at nagbibigay ng guarantee ang gobyerno. Tinatanggap din ng gobyerno ang general responsibility at solvency ng SSS.
Dahil sa batas na ito, masasabi nating hindi magsasara ang SSS ngunit nakasalalay din ito sa economic performance ng Pilipinas. Sa ngayon, maayos naman ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas at mukhang may kakayahang sumaklolo ang gobyerno sakaling manganib ang pondo ng SSS.
Pagtaas ng kotribusyon
Isa sa mga itinuturong solusyon ng SSS ang pagtaas ng kontribusyon para mapunan ang pagtaas ng benepisyo. Noong 2014, nagkaroon na ng 0.6% na increase.
Ang hinihingi ngayon ay itaas ang kontribusyon mula 11% hanggang 12.5% o 14% ng sahod. Ipinagpaliban ng SSS ang panukalang pagtaas na ito dahil masasabayan nito ang TRAIN law at kung nagkataon ay masyadong mabigat ang epekto sa karaniwang Filipino.
Marami naman ang tutol dito dahil ang take home pay ng maraming Filipino ay mahirap nag pagkasyahin para tustusan ang kanilang basic needs. (Read: Dapat bang itigil ang SSS after 120 contributions?)
Koleksyon ng kontribusyon
Ang argument ng iba ay dapat unahin munang ayusin ng SSS ang pangongolekta nito ng kontribusyon. Madami daw kasi ang hindi nagbibigay ng tamang kontribusyon.
Iginigiit na panagutin ang mga delinquent employers na hindi nagre-remit ng membership contributions. Kailangan din daw ng massive education campaign lalo na sa mga self-employed na hindi nagbibigay ng kanilang kontribusyon.
Puksain ang corruption
Corruption din daw ang isa sa mga dahilan kung bakit umiikli ang ang fund lilfe ng SSS. Nauna na nang naipabalita dati ang sobra-sobrang bonus na ibinigay ng SSS kaniyang mga empleyado na ikinaalma ng marami.
Kung mapupuksa ang corruption, mas magkakaroon ng pondong pagagamit para sa pagbibigay ng magandang benepisyo ang SSS.
Magbigay ng tamang kontribusyon
Dahil sa mga nangyayari, marami ang nawawalan ng ganang magpatuloy magbigay ng kontribusyon sa SSS at iniisip na itigil na lang ito. Marami nga ang nag-iisip na kung nasa kamay lang nila ang desisyon, ay hindi na sila magpapakaltas sa kanilang suweldo para sa SSS.
Totoong marami pang kailangag ayusin ang SSS pero makakadagdag pa tayo sa magiging problema kung ititigil natin ang pagbibigay ng kontribusyon. Tungkulin nating magbigay ng kontribusyon bilang mabuting mamamayan.
The real score
Sa palagay ko, hindi hahayaan ng gobyernong magsara ang SSS lalo na kung babantayan ito ng taumbayan. Kailangang ang pagtutulungan ng mga kawani ng SSS, gobyerno at mamamayan para malutas ang problema.
Hindi nakasalalay sa iisang sektor lamang ang solusyon. Lahat may responsibilidad kaya dapat magtulungan.
Naniniwala ako na kung mapapaigting pa ang efficiency ng SSS sa pagkolekta ng mga kontribusyon; gampanan ng mga mamamayan ang responsibilidad na magbigay ng SSS kontribusyon; at mababawasan ang corruption sa gobyerno, tiyak na hahaba pa ang fund value ng SSS.