was successfully added to your cart.

Cart

Dapat bang itigil ko na ang SSS kapag nakapagbigay na ako ng 120 contributions?

By October 1, 2017 Investments

Hindi.

Nagsimula ang kaisipang ito dahil ang minimum required na number of contributions ng SSS para magkaroon ng retirment benefit ay 120. Kung titigil ka sa pagbabayad ng iyong kontribusyon, ito ang mangyayari:

  • Hindi makakakuha ng sikness at maternity benefit dahil ang requirement dito ay dapat may three months contribution within the last 12 months bago magkasakit o manganak/makunan.
  • Hindi makakakuha ng disability benefit dahil ang requirement dito ay dapat may one month contribution within the last six months bago mangyari ang disability
  • Hindi makakakuha ng salary loan dahil ang requirement dito ay dapat may six months contribution within the last 12 months bago mag-file ng loan application

Higit sa lahat, mas mababa nang di hamak ang makukuhang retirement pension kasi ang minimum lang na number of contributions ang meron ka. Mas sulit ang makukuhang retirement pension kung walang mintis ang pagbabayad sa SSS contribution simula nang magtrabaho hanggang sa maabot ang retirement age.

Ituring na long term savings plan for retirement ang SSS. Ito ang tamang mindset para dito.

vincerapisura.com


37 Comments

  • List List List says:

    Good day, sir.

    I started as an employee po and was able to pay monthly contributions with the help of my employer for at least 3 years. Then, I stop paying when I moved overseas for work. Would like to continue paying the monthly premiums. May process po ba online (aside from My.SSS) to have my account updated and resume paying the premiums?

    Thank you.
    P.S. Can no longer register for My.SSS onine for some reason.

  • jocelyn viri says:

    Sir Vince, I am OFW for 6yrs. until now,20 yrs. Employed in the Phils.Total contributions of 286, also with flexi fund.
    Year 2019 SSS contributions increase last April .
    I am 48 yrs old. What you can suggest about my case.
    So far ,, P 1760monthly ang binabayaran ko.
    Withdraw my flexi fund and invest to MP2.
    Waiting for your reply. thank you very much

  • Flordeliza Mendoza says:

    Member din ako ng SSS sir, pero hindi ko rin nabayaran ng buo ang 120 requirements. Makakuha po ba ako ng benefits now that I’m 60 na? Dahil may kulang pa ako na 5,000+ accdg to their computation. Pero, wala na akong kakayanan para makapaghulog pa

    • Vincent Rapisura says:

      Opo. You will get a lumpsum of your contribution plus interest earned of your total contribution. Punta po kayo doon. Pero kung kaya pa, tapusin ang 120 until age 65 para magka-pension nang maayos.

  • Tanung kulang dir vince 61 na ako ang contribution ko us 248 months wala na ako trabaho kasambahay ako monthly bracket is 6,500 magkano monthly pension ko? Thanks.

  • leng reyes says:

    Hello sir,17 months lang ako nakapaghulog sa sss bale voluntary po ako,at hindi na ako nakakapaghulog mula nuon dahil kulang sa financial,at 64 years old na ako,magkaka pension din ba ako kapag 65 years old na ako?thank you po

    • Vincent Rapisura says:

      Sa kasamaang palad, hindi po. Pero on the good side, may kaunting lumpsum kayong matatanggap. Punta na po kayo sa SSS.

  • Ramon Meneses says:

    Makaka 120 payments ako at the age of 63(self-employed). Puwede Na ba akong mag apply ng retirement after makumpleto ko Yong 120 payments? Thank you.

  • Teresa says:

    Hi Sir! Ako po ay nagwork din sa private company at naghulog din po ang company ko sa SSS mga ilang years tapos year 1996 nagloan po ako ng Php. 11,000 sa SSS tapos po nawalan ako ng work kaya d ko na nabayaran yung loan at ng pumunta ako sa SSS branch para iupdate ko na ang payment ko sa SSS bale naging 31,000 na ang babayaran ko dahl sa interest . Isa na po akong OFW ngayon gusto ko pong bayaran ang loan ko at iupdate ang bayad ko sa SSS actually meron din pong representative dto sa Dubai kaya lang d masyadong clear ang paliwanag nila. Pano ko po iupdate ang contribution ko at yung babayaran kong loan? Ang idad ko po ay 45 na kaya ko po bang maabot ang 120 ? At pwede ko po ba mahulugan ang contribution ko yearly? Maraming salamat po Sir Vince😊

    • Vincent Rapisura says:

      teresa, ganito ang gawin mo. Punta agad sa konsulato at mag-apply ng condonation. Until September na lang ata ito para mapababa ang ang 33,000. Bayaran mo na nang buo at huwag nang utay-utayin. Pagkatapos, bayad ka na ng maximum contribution mo. Sure yan na makakahabol ka pa sa minimun na 120 contributions. Good luck!

  • Jen says:

    Hi sir. 120months contribution tapos mo na yung contribution mo monthly mataas. Pwede bang yung babaan na sa susunod na year then 5years before your retirement age tataasan mo ulet? Thank you 😊

  • Aica Diao says:

    hello po Vince,

    I have a question regarding sa maternity claim. My due will be on August po, anong quarters po ba need kong hulugan in order for me to get the mat claim? As per the sss rep na nkausap ko, need ko daw hulugan ang Oct-Dec 2017 at Jan-Mar 2018 pra makuha ung mat claim ko after giving birth this August. ung July-Sept of 2017 need pa rin po bang bayaran?

    • Vincent Rapisura says:

      Ang dapat po kasi talaga ay patuloy ang pagbabayad sa ating SSS hanggang tayo ay nasa retirement age na. Sigurado po kasi ang pag-claim natin sa mga benefits kapag ginawa natin ito, dahil walang palya.

      Having said that, kung Oct 2017-Mar2018 ang required, then you will get your maternity benefit. Pero dapat bayad mo na ang mga ito ngayon. Kailangan kasi up to date ang payments at bawal ang pag-backdate sa payments. =)

      So, hangga’t maari po ay bayaran nang walang palya ang SSS to enjoy the maximum benefits.

  • maritess ditan says:

    sir may alternative way po b para makuha ng 72 yr old mother ko ang sss benefit ng namatay nming tatay..wala dw po kc nso record un hawak nya mereg contract…sa capiz p po xla kinasal at nowhere abouts npo sa mga kapatid ng tatay duonn..pls help

  • nellie v. acebedo says:

    what are the requirements if ipapacorrect ko po un name ko. me umid card na po ako

  • Mhel says:

    Noted. Thanks. How abt the computation for partial disability benefits?

  • Bosinni says:

    http://www.philstar.com/headlines/2016/03/02/1558664/sss-execs-get-p117-m-salaries-colmenares.. Paano naman kami gaganahan ng paghuhulog eh inuubos lang ang ipon naming mga mahihirap ng mga Executives.Tapos pagtanda namin wala na.May magagawa pa kaya kami kung lahat ng mga executives dead na.Paano pa maibabalik ang pera sa SSS kung naubos na nila. Ganun pa rin naman palakad walang pinagbago.Yon lang nagkamal lang sila ng salapi.

  • Verginia delos santos says:

    Ang sbi ng mga freinds ko kpaag tinuloy dw s mababang monthly rate as individual payer dun dw i base ang magiging computation ng pension.totoo po ba ito? Pls help explain po

  • hi po ask ko lang sir kung mayron ba akong makukuha sa sss nag starts po ako nung dalaga pa ako nung nagwork na ko nung 1977 di ko lng masyadong sure sir at tumigil ako nung nagkababy na kmi nung 1983 ngayon po ay senior citizen na ako ang sss nos ko ay eto po 03 411 90 88 6 ang name ko nung dalaga ako ay dy evelyn ola po sana matulungan po nio ako wala na akong trabaho at hirap po sa buhay maraming salamat po in advanced Godbless po

    • Vincent Rapisura says:

      Mukha pong hindi kayo umabot sa 120 contributions, pero may makukuha pa din kayo, hindi nga lang pension. Pumunta po kayo sa SSS. I think ibabalik nila ang contributions ninyo pkus interest of your contributions.

  • Ma. Jennifer R. Jimenez says:

    10 months ako nakapaghulog sa SSS nung una kong employer year 1990s pa yata di ko matandaan kung naipaghulog ako ng next employer ko kasi sandali lang ako sa kanila 3 mos lang After that sa government na ako nagwork GSIS na ang policy ko. Ano ang entitlemwnt ko sa SSS kung meron man o ano ang dapat kong gawin para magkaroon ako ng pension.

    • Vincent Rapisura says:

      Kung makakapaghulog pa kayo sa SSS ng 120 contributions before you turn 65, I suggest that you continue paying SSS para po pag-retire ninyo, dalawa ang penion ninyo – SSS at GSIS.

  • Marites Bautista says:

    Na confine po ako nung jan 1 for 4 days. Pwede pa ba ako mag file ng sickness reimbursement or benefits. Thanks

  • Des Contreras says:

    I’ve been paying my SSS Contributions for 37 years then I lost my job last year so I stopped contributing na, Can I still get my retirement pay from your office. I,m 59 now.

  • Sheryl says:

    good day po,,,kung 52 years old na po ba pwede pa ituloy ung paghuhulog sa sss as voluntary contribution kc wala po work mama ko?

  • Maria Cecilia Chua says:

    kung galing sa company, magkano ang contribution pag mag individual?

  • Leyan says:

    Maganda yan kung mahaba ang buhay, but I had a friend namatay ang tatay nya, namatay narin nanay nya. Nasa legal age narin sila. Talagang madami nahulog ang tatay nya. Wala na sila makukuha kundi funeral benefits lang. Di sila sakop sa pension magkakapatid dahil legal age na sila. Patay naring ang kabiyak nya. So lahat sa gobyerno na. Ano po ang masasabi nyo Mr. Vince.

  • william lagasca says:

    Very informative. I will continue my sss premium. Thank you sir.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: