was successfully added to your cart.

Cart

SEC Advisory: DV Boer

Noong April 30, 2019, naglabas ng babala ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa DV Boer. Sinabi nitong nakarehistro lamang ang DV Boer nilang korporasyon pero wala itong lisensiya sa pagbebenta ng securities sa publiko.

Security

Security ang tawag sa katibayan ng investment. Ang investment ay maaring nag-participate ka bilang (a) kamay-ari ng korporasyon; o (b) nagpapautang sa isang korporasyon.

Shares of stock (tulad ng common and preferred stocks), bonds, commercial papers, government securities ay ilan sa mga halimbawa nito. Ang mga kontratang nagkakaroon ng profit sharig agreement sa investment; pati din ang sa kontratang pinipirmahan kung magpautang ay itinuturing na security.

SEC

Itinatag ang Securities and Exchange Commission (SEC) upang i-monitor ang mga securities sa Pilipinas upang mabigyang proteksyon ang publiko sa mga manloloko at masigurong legal ang pinapasok na investment.

Public solicitation of investment

Ipinagbabawal sa batas ang pagbebenta ng mga securities sa more than 19 individuals (non-institutional) kung hindi ito rehistrado sa SEC. Kailangang kumuha ng secondary license mula sa SEC para magawa ito.

DV Boer case

Pa-iwi program sa agriculture sector ang inooffer ng DV Boer. Mayron ito sa kambing, manok, baka at kuneho. Pipirma ang investor ng kontrata kung saan nakasaad ang kaniyang ipinasok na pera at kung kalian ito mababayaran. Nasa 9%-30% per annum ang pangakong rate of return. Maituturing na debt security ang naturang kontrata.

Madalas akong natatanong sa paglilibot-libot ko sa ibang bansa ang tungkol sa DV Boer. Very attractive ang kanilang ibinibigay na returns noong una. Ang nakasulat nga sa SEC advisory ay mas mababa na kaysa sa rates na ipinakita sa akin dati.

Malinaw sa practice ng DV Boer na nag-ooffer ito ng investment product sa more than 19 individuals at ayon sa SEC hindi ito rehistrado sa kanila kaya naglabas sila ng advisory.

Solusyon

Kailangang i-register ng DV Boer ang kanilang securities sa SEC bago sila makapagpatuloy ng kanilang operations. Kung hindi, maaring maglabas ng cease and desist order ang SEC laban sa kanila.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Sir Vince's Ultimate Guide to Money Management

Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


2 Comments

  • Minerva E. Dela Cruz says:

    Sir vince, paano na yung mga nakipagpagkontrata sa DV Boer’s Paiwi Program kung ganyang may problema sa SEC ang nasabing kompanya?

  • Jun Sumagang says:

    How about Peer to Peer Lending Sir Vince? I think wala silang secondary license pero they are soliciting investment through P2P lending. Anong masasabi mo sa Fundko at Vidalia Lending?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: