Sa totoo lang, maraming NGOs at kahit TV Networks sa Pilipinas ang pare-pareho ang ginagawa lalo na pagdating sa fundraising. Ano ang pinagkaiba ng SAFER Foundation at bakit ako naniniwala sa kanila?
Dignidad
Karaniwan, ang donors ang nagdidictate ng services o relief na ibibigay sa komunidad na tumatanggap lang ng kung ano ang ibigay sa kanila. Ang SAFER Foundation ay mayroong local community partners na nagsasagawa ng assessment report pagkatapos ng isang kalamidad.
Kung ano man ang needs na ma-identify ng community, ito ang hinihingi ng SAFER sa publiko at mga nais tumulong. Isa pa, sumusunod si SAFER at ang partner organizations sa international Core Humanitarian Standards (CHS).
Sinisigurado ng SAFER na ang paraan ng kanilang tulong ay nagbibigay din ng dignidad sa mga nasalanta.
Transparency
Nagbibigay ng reports ang SAFER sa mga donors para malaman nila kung saan napunta ang kanilang donasyon. Available din sa publiko ang announcements via their website and social media accounts.
Reaching Other Communities
Karaniwan, nafe-feature sa TV at radyo ang mga malalaking bagyo. Hindi nasasali ang mga mas maliliit na kalamidad at ang mga areas na mahirap puntahan dahil masyadong malayo. Nangangailangan pa din sila ng tulong at ito ang focus ng SAFER Foundation. Sa kasalukuyan, nag-respond ang SAFER sa Cagayan (Typhoon Ompong 2018) at Oriental Mindoro (Typhoon Usman 2019).
Patuloy na nangongolekta ang SAFER Foundation para sa donations. Kailangan nila ng 2 Million Pesos para makatulong sa 800 families in the future na maaapektuhan ng kalamidad.
WAYS TO GIVE SUPPORT
Donate online: bit.ly/saferph
DEPOSIT:
Bank of the Philippine Islands
Branch: Loyola Heights, Katipunan Avenue
Account Name: Shared Aid Fund for Emergency Response, Inc.
Account Number: 3081-1194-21
For confirmation of your donation, kindly send your deposit slip to saferphilippines@gmail.com
For fundraising partnerships, email saferphilippines@gmail.com
To know more about SAFER Foundation, visit:
www.instagram.com/saferphilippines
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management