was successfully added to your cart.

Cart

Principles of socially responsible investments

I conducted my second training of trainers for social investors and advocates noong March 8-9, 2019 sa Rome, Italy. Masaya ang pakiramdam dahil sa Rome unang nagsimula ang Ateneo Overseas Filipino Leadership, Innovation, Financial literacy, and Entrepreneurship (Ateneo OF-LIFE, formerly known as Ateneo LSE).

Isa sa mga itinuro ko sa kanila ang impact investing o socially responsible investments. Nais kong magbigyan ng oportunidad na masuportahan ang mga development organizations and social enterprises na makakuha ng investments para mapalago pa ang kanilang operasyon at mas maraming mahihirap ang matulungan.

Impact investing o socially responsible investments ang tawag sa mga investments na inilalagay sa mga companies, organization o funds na may intensyong mag-generate ng nasusukat na beneficial o environmental impact kasabay ng financial return o kita. Sa madaling sabi, ito ang pagbibigay ng kapital para matugunan ang mga social and environmental issues kapalit ng kita.

Nanaliksik ako and came up with three principles of socially responsible investments. Ang end goal ng mga principles na ito is to better manage risks and ensure sustainable long-term returns.

Binibigyang halaga ng socially responsible investments ang pagkakaroon ng positive social and environmental impact kasabay ng financial returns.

Principle 1: Integrate social and environmental indicators

Kabilang sa social indicators na titingnan sa socially responsible investments ay kung paano tinatrato ng isang kumpanya ang kaniyang mga empleyado, suppliers, customers at komunidad na nakapaligid dito.

Tintingnan kung nagbibigay ng sapat na suweldo at benepisyo ang kumpaniya sa mga empleyado nito. Ang mga social enterprises ay karaniwang nagbibigay ng mas mataas pang pasuweldo kumpara sa itinatakda ng batas dahil isinasaalang-alang ang makatarungang cost of living ng mga manggagawa.

Dapat iniimpluwensiyahan ng kumpaniya ang mga suppliers nito upang ang operasyon ay hindi mapanira sa kalikasan. Maganda rin kung maayos ang presyo ng pagangkat ng mga produkto o serbisyo mula sa mga suppliers at hindi nangaagrabyado.

Nakikibahagi dapat ito sa mga risks ng marginalized sectors imbes na ipasa ito sa kanila lalung-lalo na sa komunidad na nakapaligid dito. Hindi dapat ito sumisira sa kalikasang kinatatayuan kundi nakaka-contribute pa ito sa preservation of the environment.

Bilang isang negosyo, itinuturing dapat ng kumpaniya na siya ay tagapangalaga sa kalikasan.

 Principle 2: Transparent and accountable governance

Sinisiyasat ang leadership ng kumpaniya; suweldo ng mga executive officers nito, audits, internal controls, risks, shareholder rights at shareholder engagement sa transparent and accountable governance.

Ang kinikita ng mga executive officers should not be driven by greed. Ang mga audits at internal controls ng kumpaniya ay matatag at hindi nakakalusot ang pandaraya at korapsyon. Nakaksunod din dapat sa batas ang kumpaniya.

Papasa sa socially responsible investment ang isang kumpaiya kung binibigyan nito ng boses ang mga shareholder investors gaano man kaliit ang partisipasyon nila sa kumpaniya. Nagbibigay ng maayos na report na hindi lamang naglalaman ng financial performance pero pati na rin ang social and environmental performance.

Principle 3: Financial returns that create value

Greed ang isa sa sumisira sa mga investments. Sa socially responsible investments, naglalayon itong kumita lamang nang sapat at hindi labis-labis. Kapag masyadong mataas ang kita, maaring may nasasagasaan o kaya naman ay naaagrabyado dahil dito.

Ang kita ay ginagamit upang mas mapaigting ang social and environmental performance ng kumpaniya hindi lamang upang magbigay ng mas mataas na kita sa mga shareholders. The returns should not destroy the social fabric or destroy the environment.

Impact investing platform

Pangarap kong maglunsad ng isang platform kung saan ang mga social investors ay malayang nakakapag-invest sa mga social enterprises. Naniniwala akong kung mangyayari ito, mapapababa natin ang kahirapan sa Pilipinas at mapapangalagaan natin ang kalikasan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Sir Vince's Ultimate Guide to Money Management

Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: