was successfully added to your cart.

Cart

Paano makakalampas sa pagiging HENRY (High Earning Not Rich Yet)

Kung kumikita ng PhP100,000 o higit pa kada buwan, wala halos ipon at investment at kinakailangang magtrabaho para mapanatili ang lifestyle. Isa kang HENRY o High Earning Not Rich Yet. (Basahin: Ikaw ba ay HENRY?)

May iba’t ibang dahilan kung bakit ang isang tao ay HENRY. Una na rito ang pagkakaroon ng sangkatutak na inakong obligasyon at responsibilidad sa pamilya. Pangalawa, ay ang mga may pakiramdam na napagkaitan sila ng kanilang inaasam na lifestyle o uri ng pamumuhay kaya sila ay naghahabol na maranasan ito. Pangatlo, ay yung mga taong takot mag-invest dahil kulang ang kanilang kaalaman dito.

Know, limit and be firm with your obligations and responsibilities

Marami sa mga HENRY ay OFWs. Sila ang mga middile to top level managers sa mga hotels, restaurants, at iba pang opinsina; mga medical practitioners; mga engineers, architects sa mga construction firms; o kaya naman ay mga sales and marketing executives ng mga multinational companies.

Dahil malaki ang kanilang sinasahod at alam ito ng kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas, automatic na rin na malaki ang kanilang ipinapadalang pera sa Pilipinas. Hindi naman masama ang magpadala at tumulong sa pamilya pero kinakaliangang alamin kung hanggang saan ang kayang pagtulong. (Panoorin: Helping others financially)

Bago tumulong, kinakailangang unahin muna ang sariling kapakanan. Siguraduhing hindi naisasakripisyo ang hinaharap dahil sa pagtulong.

Ang aking rule: Tumulong lang kung financially stable na.

Narito ang aking pamantayan para malaman na ikaw ay financially stable na: (1) may sapat na emergency savings na katumbas ng siyam na buwang gastusin o anim na buwang kita; (2) may nararapat na insurance lalung-lalo na ang medical insurance; (3) pagkakaroon ng passive income; at (4) may net worth na naayon sa katumbas nito base sa edad. (Panoorin: Financial life stages)

Ngayong alam mo na kung hanggang saan ang iyong obligasyon at responsiblidad, magdesisyon kung hanggang saan ang iyong limitasyon. Makakatulong kung susundin moa ng aking 5-15-20-60 budgeting rule kung saan 5% ng kita ay ilalaan para sa insurance premium; 15% para sa savings; 20% para sa investments at 60% para sa expenses. (Panoorin: 5-15-20-60 Budgeting rule)

Alalahanin na ang pagtulong sa pamilya ay dapat nakapaloob sa 60% na expenses. Kinakailangang bigyan ng prayoridad ang pambayad sa insurance premium, pages-save at pag-iinvest.

Kapag nalaman na ang limitasyon, ipaalam ito sa mga kamag-anak at ipaliwanag nang mabuti at mahinahon. Bigyan din sila nng sapat na panahong mag-adjust – magbigay ng palugit.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: