was successfully added to your cart.

Cart

Paano Magpautang nang Tama

Mas malaki ang responsibilidad ng nagpapautang kaysa sa umuutang. Ang paniningil ay nakasalalay sa nagpautang hindi sa umutang.

Iyan ang irony sa pagpapautang.

Narito ang mga pamantayang susundin kung ikaw ay magpapautang.

Good character at kakayahang magbayad

Hindi lamang sa tiwala sa umuutang nakasalalay ang pagpapautang. Kinakailangan ding alam nating tunay na may kakayahan siyang magbayad.

Ito ang dahilan kung bakit istrikto ang mga financial institutions tulad ng bangko sa pagpapautang – kailangan nila itong masingil. Mas maluwag naman magpautang ang mga kooperatiba, financing companies at lending companies pero mas mataas ang kanilang interest.

Kaya maiging hikayatin ang mga umuutang sa iyo na sa fomal financial institutions mangutang. Kung maliit na halaga lang ang uutangin, sa mga microfinance institutions sila papuntahin.

Small installments

Mas madaling magbayad ng utang kung ito ay babayaran sa installments kaysa sa isang bagsak lang. Ito ay dahil ang maliit na halaga ay madaling ipunin at bitawan pambayad kaysa sa malaking halaga.

Kapag nagbabayad ng installments, mapapadalas din ang pagkikita ng umutang sa iyo at sa ganitong paraan nababalitaan mo kung saan ginamit ang pera at kung may kakayanan pa siyang magbayad.

Gumawa ng kontrata

Ang kontrata ay ang pagkakaintindihan o pagkakasundo ng isa o mas marami pang tao upang tuparin ang isang kasunduan o pangako. Ito ay para protektahan ang relationship natin kaya dapat itong gamitin lalo na kung ang pinag-uusapan ay pera.

Mas maiging huwag ituloy ang pagpapautang kung hindi sangayon ang pumirma ng kontrata ang nangugutang. Senyales ito na maaaring hindi siya magbayad.

Hindi negosyo

Kung gagawing negosyo ang pagpapautang, kinakailangang ito ay rehistrado. Kung hindi, ito ay isang illegal.

Malalalaman na negosyo ang pagpapautang kung ang kita nito ay malaking bahagi na ng regular mong income at ang pamamalakad nito ay ginagawa mo na halos araw-araw. Pag pinapaikot mo na ang nakolekta mong bayad para ipautang ulit, senyales din ito na negosyo na ang pagpapautang.

Kahalagahan ng kontrata

 

vincerapisura.com


One Comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: