was successfully added to your cart.

Cart

Paano magkaroon ng rental property na worth PhP1 million

Marami ang nalulula sa laki ng perang kailangan kung ang pipiliin na source of passive income ay real estate. Hindi naman ito kataka-taka dahil mahal nga naman talaga ang magkaroon ng real estate property ngayon. (Basahin: Mga paraan upang ikaw ay kumita kahit hindi nagtatrabaho)

Mag-ipon ng 20% downpayment

Ang una mong kailangang gawin ay mag-ipon ng katumbas ng 20% na downpayment sa real estate property na nais magkaroon. Sa ating halimbawa, kung PhP1 million ang property, dapat ay maka-ipon ka muna ng PhP200,000. Sa panahon ngayon, kung pagsusumikapan, madali na lang maka-ipon ng ganitong halaga.

Akala kasi ng marami, kailangan nilang ipunin ang buong amount na pambili sa property para makabili ng isang real estate property. Sa katunayan, napaka-bihira ng nakakagawa nito.

Karaniwang 20% downpayment ang requirement para makakuha ng loan na katumbas ng 80% na balanse. Gumawa ng plano kung paano makakaipon ng ganitong halaga. (Basahin: Mga tips sa paggawa ng savings plan)

Magpa-miyembro sa pag-IBIG

May dalawang mahalagang bagay na dapat gawin habang nag-iipon upang mapaghandaan ang pagbili ng isang rental property. Una dito ang pagiging miyembro sa Pag-IBIG.

Ang Pag-IBIG ay ang national savings and housing program ng gobyerno. Para sa akin, ito ang may pinakamaluwag na requirements sa pagkuha ng loan para sa isang residential property. (Basahin: Eligibility requirements para makakuha ng Pag-IBIG Housing loan)

Gumawa ng market research

Pangalawa sa dapat mong gawin habang nag-iipon ang gumawa ng market research tungkol sa paupahang nais mong itayo. Mahalagang malaman mo kung saan ang lokasyon ng property, ano ang kalakaran ng paupahan sa lugar at kung malakas ang demand dito.

Sa karanasan ko, mahirap makipagsabayan sa paupahan sa mga siyudad dahil (1) mahal na ang mga properties doon; (2) stiff ang competition – kakalabanin mo ang mga malalaking real estate developers; (3) kaya matagal ang return on investment. Mas maganda kung sa rural areas kung saan mura pa ang mga rental properties; healthy ang competition at mas mabilis ang return on investment. (Basahin: Paano gumawa ng market research kung balak magpatayo ng rental property)

Bukod dito, nakakatulong ka pa sa rural development at local economic development.

8 years return on investment

Maituturing na maganda ang isang rental property kung ito ay makapagbibigay ng cash flow na mababawi ang investment o kapital na inilagay, sa loob ng walong taon o mas maikli pa. Kaya dapat pag-aralang mabuti ang gagastusin sa construction pati na rin ang kalakaran sa renta sa lugar, bago magpatayo. (Basahin: Maganda bang investment ang condo?)

Positive cash flow sa unang taon

Ang ibig sabihin ng positive cash flow ay mas malaki ang pumapasok na pera kaysa sa ginagastos. Sa case ng rental property na binabalak, dapat mas malaki ang rental income kaysa sa mga gastusin tulad ng loan amortization, association dues (if applicable) at taxes pagkatapos ng unang taon ng rental property. (Basahin: How to invest in a condo as a rental asset)

Pagplanuhan nang mabuti

Wala talagang tatalo sa pagpaplano nang maaga at mabuti kung nagbabalak magtayo ng rental property business. Maari din kayong makakuha ng inspirasyon kay Aling Fe na maraming rental apartments pero nagsimula bilang factory worker. (Basahin: From actory worker to apartment rental queen)

vincerapisura.com


2 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: