was successfully added to your cart.

Cart

Paano magbukas ng account in rural banks?

Madalas kong nirerekomenda ang pagbukas ng account sa rural banks, lalo na ang time deposit, dahil mas mataas ang interest rate into kung ikukumpara sa mga commercial banks. Relatively safe rin ito dahil protektado ang iyong deposito ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) hanggang PhP500,000 per person.

Panoorin: Rural bank investing

Bago magbukas ng account siguraduhing matatag ito. Basahin ang aking guide sa pagpili ng rural bank.

Kapag nakapili na ng rural bank na iyong dedepositohan, pumunta lang dala ang mga requirements sa rural bank branch na malapit sa’yo at magbukas na ng iyong deposit account.

Sundin ang gabay sa pagbukas ng account na nakalagay sa ibaba.

  • Savings Account
    • I-sumite ang na-fill out nang deposit application form galing sa bangko
    • I-sumite ang napirmahang signature cards galing sa bangko
    • Magpakita ng at least dalawang (2) original valid IDs na may larawan mo
    • Mag-sumite ng dalawang (2) ID picture (depende sa bangko kung 1×1 or 2×2)
    • Mayroong mga bangko na humihingi ng billing statement (halimbawa: electric bill, water bill, etc.) para ma-verify ang iyong billing address
    • Magdeposito ng initial deposit requirement
  • Time Deposit
    • Dapat meron ka munang savings account sa bangko bago makapagbukas ng Time Deposit
    • I-sumite ang na-fill out na deposit application form galing sa bangko
    • I-sumite ang na-fill out na deposit account information form at signature card galing sa bangko
    • Magpakita ng at least dalawang (2) original valid IDs na may larawan mo
    • Mag-sumite ng dalawang (2) ID picture (depende sa bangko kung 1×1 or 2×2)
    • Mayroong mga bangko na humihingi ng billing statement (halimbawa: electric bill, water bill, etc.) para ma-verify ang iyong billing address
    • Magdeposito ng at least minimum amount na tinatanggap ng bangko para sa time deposit

Ang nabanggit ko rito ay ang mga kadalasang requirements sa pagbukas ng deposit accounts sa rural banks. Pwedeng may kaibahan sa mga proseso at requirements sa bawat bangko. Mas mainam pa rin na magtanong muna sa rural bank kapag magbubukas ka na ng account.

 

vincerapisura.com


4 Comments

  • Andy Ramos says:

    Sir Vince, san po mas recommended, rural bank or cooperatives, and any best rural/coop around Novaliches and San Jose del Monte Bulacan, thanks in advance and Godbless with your advocate for financial education.

  • Jîn-è Achìyá says:

    Good day Sir! Ofw here, gusto ko lang po makasigurado, magkano po madalas initial deposit for savings sa rural bank at magkano po minimum ang pwedeng i-time deposit dito? Maraming salamat in advance Sir!

  • Li Gomez says:

    Hi,can you help me locate a good rural bank along Marcos Hiway or Sumulong Hiway,Antipolo City.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: