Marami sa mga nakakasalamuha kong mga magulang sa aking mga trainings ay nagtatanong kung paano ipapangalan ang mga investment o naipundar nila sa kanilang mga anak.
Iba-iba ang kanilang mga dahilan. Karamihan ay gusto lang masiguro ang kinabukasan ng kanilang anak. Ang iba naman ay may problema sa asawa at gustong ipangalan na ang investment sa anak para hindi na makahabol ang asawa.
Kung anuman ang dahilan, ito ang paraan kung paano ipapangalan ang investment o pundar sa anak.
Account in trust
Ang account in trust ay isang general term na ginagamit sa mga financial account na binuksan ng isang indibidwal na mina-manage ng isang trustee. Ang mga benepisyo ng account na ito ay mapupunta sa isang third party pero kinakailangang masunod ang mga terms and conditions nito.
Halimbawa, ang isang magulang, ang trustor, ay maaring magbukas ng bank account at ipapangalan ito sa kaniyang menor de edad na anak. Trustee ang tawag sa nagma-manage ng pondong inilagak sa account, in this case, ang bangko ang trustee.
Maaring maglagay ng rules ang magulang kung papaano makukuha ng anak ang pera sa bank account kasama na ang mga kikitain nito.
Fiduciary responsibility ng trustee
Maaaring ang “account in trust for” ay gamitin lamang bilang legal term na siyang gagamitin sa paggawa ng mga kontrata. Ito ay kung saan ang trustee ay nagkakaroon ng fiduciary responsibility.
Ang fiduciary responsibility ay ang pagkakaroon ng legal na kapasidad na i-manage at protektahan ang mga ari-ariang nakapaloob sa kasunduan. Ito ay para sa kapakanan ng beneficiary.
Trust products
May mga stand-alone trust companies at trust division or trust department ng mga bangko na nagbibigay ng trust services. Ito ay mga institutions ay maaring maging trustee ng assets o ari-arian na mapapaloob sa isang trust.
Ang mga accounts in trust ay maaring magkaroon ng iba’t-ibang klase ng ari-arian tulad ng cash, lupa, stocks, bonds, mutual funds, real estate at iba pang mga uri ng investments.
Safe and legal instrument
Ang pagkakaroon ng trust account, trust agreement o kaya naman ay pagkuha ng serbisyo ng mga stand-alone trust institutions o trust department ng bangko ay mabibisang paraan upang masigurong ang ari-ariang pinaghirapan ay mapunta sa tamang beneficiary.
In this case, ang pagpasok sa isang account in trust para sa kapakanan ng anak mula sa nagmamahal na magulang ay ligtas at legal na paraan