Kung ang pension ay guaranteed at pagdating ng napiling retirement age ay kikita ito ng mas mataas sa pinaka-secure na long term investment na puwedeng kunin ngayon.
Let’s break this down.
Guaranteed returns
Ang hinahanap natin para sa paghahanda ng ating retirement ay ang kasiguruhan ng amount na makukuha mo pagdating ng panahon.
Kaso, ang maraming mga insurance with pension products ang sinasabi sa mga graphs na ipinapakita sa iyo ay for ILLUSTRATION purposes lang. Hindi talaga ito garantisado.
Linear din ang illustration nila samantalang ang market ay may ups and downs. I have yet to see an honest to goodness illustrative example na may ups and downs.
Kaya mag-ingat sa pagbili ng produktong insurance na historical figures ang ginagamit karaniwang nakalagay naman ito sa ibaba ng kanilang mga marketing materials.
Return should be high
Since you are investing in a longer horizon, usually, mas mataas ang expectation sa income na makukuha dito. Dalawa ang benchmark na ginagamit ko bilang panukat dito – (1) ang prevailing five-year treasury bill rates at (2) ang dividend rate ng Pag-IBIG MP2.
Kailangang matuto kung paano mag-analyze using time value of money para mai-compare natin ang mga ito ng tama. Kung mas kikita ang pera sa secure kumpara sa treasury bill o Pag-IBIG MP2, then puwedeng pasukin ang insurance with pension.
Do BTID
With these rules, I scouted market offerings in the Philippines and honestly, I got disappointed kasi wala ni isang insurance with pension product na nag-qualify sa criteria ko.
Halos lahat ay hindi guaranteed ang returns at nung tiningnan ko ang actual historical performance, mas panatag pa rin na ilagay sa treasury bills at Pag-IBIG MP2 ang pang-retirement.
Ending, balik pa rin tayo sa tried and tested nating Buy Term Invest the Difference o BTID strategy.