was successfully added to your cart.

Cart

OFWs required maging SSS member sa bagong batas

By February 26, 2019 SSS

Noong February 15, 2019, pinirmahan ng pangulo ang Republic Act 11199 na naglalayong palawakin ang duties and powers ng Social Security System (SSS). Napapanahon ang batas na ito dahil mahalagang ma-secure ang financial future ng bawat Filipino pagdating ng retirement.

OFW statistics

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nasa 2.3 million ang mga Overseas Filipino Workers noong 2017. Halos lahat o 97% sa kanila ang overseas contract workers.

Nasa 500,000 lamang ang mga OFWs na miyembro ng SSS o nasa 22% lang sa lahat ng OFWs. Ito ay ayon sa report ng SSS.

Positive effect on the fund

Kapag mapapabilang ang 1.8 milyong OFW na hindi pa miyembro ng SSS, mas dadami ang pondong panggagalingan ng retirement para sa bawat Filipino. Malaki ang earning capacity ng mga OFWs abroad kaya marapat lang na magng miyembro din sila.

Positive impact to OFWs

Maeenjoy na ng bawat OFW ang iba’t-ibang benefits ng SSS sakaling sila ay maging miyembro na nito. Ang mga benefits tulad ng death, maternity and sickness ay maari nang ma-avail.

Employer abroad should shoulder counterpart

Maganda kung ang batas ay irerequire ang mga employers abroad na magbayad ng SSS contribution para sa mga OFWs Dahil dito magkakaroon ng sharing sa contribution at hindi aakuhin lahat ng OFWs.

Sa ngayon kasi, sa pagkakaalam ko, karamihan sa mg OFW SSS members ay voluntary. This means walang employer counterpart. Nasa 67% ng total SSS contribution ang employer counterpart at 33% para sa empleyado.

Apply for SSS membership now

Kung ako sa inyo, hindi ko na aantayin ang implementing rules and regulations ng SSS bago magpa-member. Pumunta na agad sa pinakamalapit na embahada o konsulato ng Pilipinas para mag-apply.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Sir Vince's Ultimate Guide to Money Management

Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: