Maraming tao ang nalilito sa pagkakaiba ng needs and wants. Ang hindi naiintindihan ng marami ay may iba’t-iba tayong pananaw dito dahil hindi tayo pare-pareho ng gusto sa buhay.
Ang needs ng iba ay maaring itinuturing lang na wants ng iba and vice versa. Kung anuman ang mga ito, mahalagang malaman dahil malaki ang magiging epekto nito sa iyong pagpaplano sa buhay. (Basahin: Paano gumawan ng financial plan)
Isa sa mga kailangang gawin sa paggawa ng financial plan ay ang paggawa ng financial goals and priorities. Nagsisimula ito sa pamamagitan ng pag-alam kung anu-ano ang needs and wants mo. (Basahin: Paano gumawa ng financial goals)
Ikamamatay o kayang ipagpaliban
Ang needs ay mga pangangailangan ng mga tao para maging ligtas at mabuhay sa lipunan. In contrast, ang wants naman ay mga bagay para magkaroon ng ginhawa at kasiyahan sa buhay.
Kung ikamamatay mo ang kawalan ng isang bagay, ito ay maituturing na need. Kung kaya mo naman itong ipagpaliban o i-postpone, ito ay want.
Halimbawa, kaya mong ipagpaliban ang hindi pag-inom ng softdrink sa isang linggo, pero hindi mo ito kayang gawin sa ordinaryong tubig. Ikamamatay mo ito. Kaya ang softdrink ay want, at ang tubig naman ay need. (Read: Paano mapapalago ang ipon)
Necessity versus luxury
Ang need kailangan, samantalang ang want naman ay pagiging magarbo o maluho.
Kapag kumakain sa bahay ng pagkain na inihanda sa bahay, ito ay maituturing na need. Ang pagkain naman sa fine dining restaurants ay want.
Parehong nalulunasan ng dalawa ang gutom. Kaso ang isa mura, ang isa naman ay mahal. (Read: Epektibong paraan upang matustusan ang wants)
Basic features versus upgrades
Ang needs, basic features lang ang ibinibigay. Samantalang ang wants, may iba pang karagdagang features.
Kapag sumakay sa eroplano at bumili ng economy class ticket, ito ay need. Kapag bumili ng business class of first class, ito ay want.
Sa economy class bibigyan ka nila ng basic amenities, may maayos na upuan, may pagkain at may palikuran. Samantalang sa business class o first class naman, maraming ibinibigay – mas malaking upuan na maaring maging kama; masasarap na pagkain ar maraming pagpipilian; at maraming gamit sa palikuran.
Pareho namang maibibigay ng kahit anong plane ticket ang pinakapakay mo kung bakit ka sumakay ng eroplano, iyan ay ang makarating sa kung saan mo gustong tumungo. (Read: Epektibong paraan ng pagtitipid)
Kailangan sa trabaho o pamporma
Maituturing na need ang isang bagay kung ito ay kinakailangan upang magampanan ang trabaho samantalang ang want naman ay mga bagay na makakadagdag sa ganda ng porma mo.
Halimbawa, ang cellphone na gamit sa trabaho ay need kung matibay, nakaka-text, nakakatawag at nakaka-Internet. Pero kung branded ang gamit tulad ng iPhone X, ito ay want. (Read: Afford mo ba ang iPhone mo?)
Muli, pareho naman nitong magagampanan ang kailangan mo sa trabaho, pero ang isa mura, ang isa mahal. (Read: Magkano dapat ang gamit na cellphone)
Hindi masama ang wants
Sa traditional na pagtingin sa paghawak ng pera, minamasama o demonized ang wants. Para sa akin, ang makabagong pananaw sa paghawak ng pera ay ginagawang motivation and inspiration to save and invest ang wants.
Hindi masama ang maghangad ng kaginhawaan at kasiyahan sa buhay. Masarap ang buhay na maginhawa, masagana at masaya. (Read: Mga tip sa paggawa ng savings plan)
Passive income for wants, active income for needs
Para maisakatuparan ang paghahangad sa mga wants, ang aking rule ay ito: ang gamit pambili sa wants ay passive income; sa needs naman ay active income.
Kung may bagay na ninanais at ito ay, para sa iyo, want, kailangan mo munang bunuin ang ang investment na kailangan mo na magbibigay ng passive income, bago mo ito puwedeng bilhin.
Kapag walang passive income, ipagpaliban muna ang pagbili ng wants. Kung susundin ito, mapapabilis ang pagyaman. (Read: paano kumita ng passive income)