was successfully added to your cart.

Cart

Nako-convert ba ang OWWA contribution to cash?

Hindi.

Makukuha lang ang OWWA benefit kapag may nangyaring masama sa iyo habang ikaw ay nagtatrabaho ilang Overseas Filipino Worker (OFW). Ang OWWA ay isang klase ng insurance na kapag binayaran at walang nangyari sa iyo, walang makukuha.

Ang mga benefits ng OWWA ay ang mga sumusunod:

  • Disability and dismemberment benefit
  • Death benefit
  • Repatriation assistance

Bukod dito may iba pang programa ang OWWA tulad ng:

  • Pre-departure education programs tulad ng Pre-departure orientation seminar (PDOS)
  • Training program para sa mga seafarers
  • Scholarship para sa mga OFW dependents
  • Skills for employment scholarship program
  • Information technology training program
  • Balik-Pinas Balik-hanapbuhay program
  • OFW – Enterprise development and loan program

Dahil sa limitadong budget, hindi lahat ng OFW ay nakakatamasa sa mga programa nito. Pero maaring mag-apply para makakuha ng benepisyo.

May mga assistance programs din ang OWWA sa ibang bansa kung saan maraming OFWs. Ito ay ang psycho-social counselling, mediation or conciliation with employer; hospital or prison visitation, legal assistance at marami pang iba.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: