was successfully added to your cart.

Cart

Multiple housing loans sa Pag-IBIG, puwede na!

Nais mo bang magkaroon ng rental property pero may existing home mortgage ka na?

Sa latest update ng Pag-IBIG Housing loans, ngayon puwede ka nang magkaroon ng multiple housing loans. Ito ay ayon sa Pag-IBIG Circular 396 na inilabas noong January 9, 2018.

Subsequent housing loans

Maaaring kumuha ng sunod na housing loan ang isang miyembro ng Pag-IBIG na may existing housing loan na. Maaaring gamitin ang kasalukuyang property kasama ang mga improvements nito, o kaya naman ay bagong property bilang collateral sa loan.

Here are the conditions:

  • Dapat active member ng Pag-IBIG
  • Ang mga housing loan accounts ay updated, walang palya sa pagbabayad
  • May capacity to pay na bayaran ang housing loans
  • Ang kabuuang utang ng lahat ng housing loans sa panahon ng application ay hindi lalampas sa PhP6 million

Tacked loan

Kapag tacked loan ang kasalukuyang housing loan sa Pag-IBIG, titingnan ang katumbas na bahagi ng kaniyang utang sa kabuuang tacked loan at ito ang idadagdag sa kaniyang kabuuang o aggregate housing loan amount. Ito ay dapat hindi lumampas sa PhP6 million.

Read: Pag-IBIG tacked loan

Loan purpose

Maaring gamitin ang loan proceeds sa mga sumusunod: (1) pambili ng residential unit na hindi lalampas sa 1,000 square meters tulad ng bahay at lupa; townhouse o condominium; (2) house construction; (3) home improvement; (4) refinancing; at (5) transfer of title.

(Read: Saan puwede gamitin ang housing loan ng Pag-IBIG?)

Parking lot

Bukod sa loan purpose sa itaas, maaring gamitin ang subsequent loan pambili ng parking lot na maaaring nakalagay sa parehong real estate development o kaya naman ay walking distance lang papunta dito.

Handle with care

Make sure na kung kukuha ng additional housing loan sa Pag-IBIG ay gagamitin ito for productive purposes. At the end of the day, isang kama lang ang kailangan nating higaan; at unnecessary ang magkaroon ng bahay na marami at di naman natin tinitirhan.

So dapat may rental income.

Here are my quick rules: (1) positive cash flow within the first year of operation; (2) eight years return on investment; at (3) parating may property insurance coverage.

You may also wan to read this articles:

Enjoy investing!

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: