was successfully added to your cart.

Cart

Mga iba’t-ibang klase ng health insurance and health plans sa Pilipinas

Isa sa pinakamahalagang insurance na dapat meron tayo ay ang health insurance. Ang pagkakasakit ay ang isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng malaking gastos na hindi inaasahan.

Marami ang nababaon sa utang dahil sa pagkakasakit at kawalan ng health insurance. Natutuloy ito kahirapan sa buhay kung hindi naagapan at napaghahandaan.

Sa Pilipinas, nakakalito kung alin ang kukunin na health insurance. Disfragmented kasi ang ating health insurance products di tulad sa ibang bansa. Narito ang apat na klase ng health insurance at health plans na mayroon tayo sa Pilipinas.

Hospital and emergency care 

Ang hospital and emergency care insurance ay isang klase ng insurance kung saan nagbibigay ito ng proteksyon sa lahat ng klase ng pagkakasakit basta tayo ay ma-hospital o maitakbo sa emergency unit ng isang hospital.

Lahat ng klase ng sakit ay covered nito basta ang crucial ay na-admit ka sa hospital o nangailangan ka ng serbisyo ng hospital o clinic dahil sa iyong karamdaman.

Critical illness

Ikaw naman ay covered lang ng insurance ng mga nakalistang sakit na itinuturing na mapanganib sa crticial illness insurance. Hindi lahat ng sakit ay covered ng critical illness insurance kundi limitado lamang ito sa listahan ng mga sakit na nakalagay sa iyong insurance policy.

Sa Pilipinas, karaniwang rider sa life insurance ang critical illness insurance. Wala pa akong nakitang stand alone na critical illness insurance.

Dati mga permanent at investment-linked insurance lang ang may critical illness riders at ito ang madalas gamitin ng mga insurance agent na enganyuhin ang mga tao para kumuha ng insurance sa kanila.

Pero ngayon, mayroon nang mas maganda at mas murang paraan para dito dahil nago-offer na rin ang mga insurance companies ngayon ng term life insurance na may kasamang critical illness rider.

Hospital income benefit

Ang hospital income benefit naman ay ang matatanggap mong fixed amount kada araw kung ikaw ay nagkasakit ayon sa nakalagay sa insurance policy o kaya ay na-admit o na-confine sa hospital. Tulad ng critical illness, ito rin ay karaniwang rider sa mga life insurance policies.

Health maintenance organization

Ayon sa Republic Act 7875, ang isang Health Maintenance Organization” ay isang klase ng health care provider. Ito ay nagbibigay o nagaayos ng benepisyo o coverage ng serbisyong pangkalusugan o health services. Nagbabayad ng fixed prepaid premium ang mga plan members ng HMO upang makuha ang mga health services na ibinibigay ng HMO.

Ang malaking kaibahan ng HMO sa mga naunang uri ng health insurance ay ang pagbibigay nito ng preventive health care services. Sa totoo lang, mas kilala ang mga HMO sa pagbibigay ng preventive health care services tulad ng annual physical exams, laboratory tests, clinic consultations at iba pa.

Get PhilHealth first 

Para sa akin pinakamahalaga na magkaroon ng hospital and emergency care insurance o health insurance na sasakop sa lahat ng pagkakasakit na maaring makuha mo o ng iyong pamilya; at siyempre pati na rin ang preventive care.

PhilHealth ang nagbibigay nito sa atin, ang universal health care welfare service ng gobyerno para sa lahat na Filipino. Pero, aminado akong kulang ito at kailangang dagdagan ang coverage.

(Read: Paano mag-avail ng benefit sa PhilHealth ang mga OFWs?)

Prioritize hospital/emergency insurance

Dapat unahin ang comrpehensive hospital/emergency care insurance dahil lahat ng sakit ay sakop nito. May family package din ito kaya makabubuti na kunin bilang isang pamilya.

Tiyak ang proteksyon sa malaking gastusin kung kukuha ng ganitong klaseng insurance. Sa aking pananaliksik, iisa lang ang probadong commercial insurance company na nago-offer ng comprehensive health and emergency care insurance sa Pilipinas.

Umaasa ako na habang tumataas ang antas ng pamumuhay natin ay magdaratingan din ang mga ganitong health insurance sa atin tulad ng nasa ibang bansa.

Give importance to preventive health

Isang mabisang paraan ng pangangalaga sa kalusugan ay sa pamamagitan ng preventive health care at makukuha ito sa pamamagitan ng mga HMOs. Kinakailangang may early detection and prevention sa mga sakit upang mapanatiling maganda ang kalusugan, makaiwas sa pagkakasakit at sa malalaking gastusin.

Dapat covered ang physical exams dito pati na rin ang dental services. Kalimitang may emergency care coverage din ang mga HMOs pero hindi ito ganun kalaki.

Get critical illness if budget allows

Kumuha ng critical illness riders sa iyong term life insurance kung kaya pa sa budget. Nagbibigay din kasi ito ng added protection sakaling dapuan o datnan ng matinding karamdaman na nangangailangan ng mahal na procedure.

Save and invest 

Sa huli’t-huli, maganda pa rin na may emergency savings tayo at may mga investments na maaring mapagkunan pa ng gastusin kung sakaling hindi sasapat ang mga insurance and plans na nabanggit ko. Pero kung susundin mo ang payo ko, malamang ay hindi mo na gagalawin pa ang mga ito and the insurance policies will take care of you.

(Read: Emergency Savings o Emergency Fund)

I don’t recommend 

Marami po sa inyo ang parating nanghihingi sa akin ng rekomendasyon ng magandang kumpaniya o produkto para sa inyo. Uulitin ko po na ako ay nagtuturo sa pamamagitan ng pagsusulat ng articles at paggawa ng mga videos and online courses.

Ang paghahanap at pamimili ng produkto, serbisyo o kumpaniya ay responsibilidad ninyo. Gusto ko din pong hindi mabahiran ang aking independence sa aking advocacy kaya po sana ay maintindihan ninyo ang aking posisyon.

Pero I assure you, mahahanap niyo po ang tama basta sundin ang aking mga guidelines and tips dahil ang pagyaman, napag-aaralan!

vincerapisura.com


One Comment

  • Good day Sir Vince!

    I understand na hindi po kayo nagrerecommend ng brand o kompanya. Pero nahihirapan po talaga akong humanap ng Term Life insurance na may rider na critical illness. Puro VUL po kasi ang suggested ng mga agents na kakilala ko. Huhuhu.

    Naniniwala po kasi ako sa kahalagahan ng Critical Illness benefit.

    Salamat po.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: