Magkano ang makukuhang sickness benefit mula sa SSS?

By September 24, 2017 Insurance, SSS 32 Comments

Ang halaga ng benefit kada araw ay katumbas ng 90% ng iyong average daily salary credit (ADSC). Upang makuha ang iyong ADSC, kailangan nating ma-compute gamit ang table sa ibaba.

 

  1. Bilangin kung ilan araw kang hindi nakapasok sa trabaho dahil sa sakit at kung anong buwan
  2. Alamin ng semestre kung kailan ka nagkasakit.
    • Ang semestre ay dalawang (2) magkasunod na quarters pagtapos ng quarter ng iyong sakit.
    • Ang quarter naman ay tatlong magkakasunod na buwan na nagtatapos sa March, June, September o December
  3. Pagkatapos, bilangan ang isang taon bago ang simula ng semestre kung kailan nagkasakit at alamin ang anim (6) na pinakamataas na MSC o Monthly Salary Credit sa taon na ‘yun. Makikita ito sa nakalagay na table sa itaas.
    • Ang MSC ay ang base compensation ng iyong basic salary sa isang buwan.
  4. I-add ang anim na pinakamataas na MSC at i-divide ito ng 180 days upang makuha ang ADSC.
  5. I-multiply naman ang ADSC by 90% para makuha ang iyong benepisyo na cash allowance.
  6. Ang cash allowance mo ay i-multiply sa kung ilan araw kang nawala sa trabaho.

Halimbawa:

Si Jema ay nanatili sa bahay ng anim (6) na araw dahil sa matinding lagnat. Naubos na nito ang kaniyang company sick leaves with pay at maayos naman ang kaniyang mga kontribusyon sa SSS kaya puwede siyang mag-avail ng kaniyang sickness benefit.

Magkano ang kaniyang makukuhang sickness benefit sa SSS?

  • Sa buwan ng June 2017 nagkasakit si Jema ng anim na araw.
  • Ang semestre ay mula April 2017 hanggang September 2017.
  • Ang 12 months bago ang simula ng semestre ay mula April 2016 hanggang March 2017. Para kay Jema ang pinakamataas na MSC niya ay PHP 16,000.
  • (16,000 x 6) = 96,000 / 180 = 533.33
  • 33 x 90% = 480
  • 480 x 6 = 2,880.

Si Jema ay maaaring makakuha ng PHP 2, 880 na benefit mula sa SSS.

Paano makukuha ang sickness benefits?

Kinakailangang masabihan ang employer tungkol sa sakit sa loob ng limang (5) araw sa simula ng sakit ng empleyado at ang employer ang magsasabi sa SSS nito sa loob din ng limang araw pagtapos nalaman ang tungkol sa sakit ng empleyado.

Ang employer ay tutulong sa pag-file ng mga kailangan na document para sa sickness benefit.

Para sa mga OFWs, maaari pa rin silang makakuha ng sickness benefit. Bibigyan sila ng grace period ng 30 days upang masabihan ang SSS tungkol sa kanilang sakit.

Makukuha ni Jema ang kaniyang cash allowance mula sa employer sa araw ng kaniyang payday. Kaya, kailangang maging miyembro ang employer.

Ang SSS na mismo ang magbibigay ng reimbursements sa employer sa pamamagitan ng bank transfer na naka-register sa “Sickness and Maternity Benefits Payment thru-the-Bank Program” (SMB-PTB).

 

 

vincerapisura.com


32 Comments

  • Ryan P. Acdal says:

    Sir ooperahan po ung ako sa laporoscopic… Ifile ko po sickness benefits iyon… Mga magkano po makukuha ko?

  • Ranjit Balansay says:

    Sir pano ako makakakuha ng sickness form sa agency at sss, naaksidente ako ng july 15 at aug.11 ang operation ko of Multiple facial fracture ..?

    • Vincent Rapisura says:

      Naku, sana po ay ok kayo. Tawag na po agad sa SSS kung paano ang procedure. Ito po ang number SSS Trunkline No. (632) 920-6401.

  • FPD says:

    Question po. Same case sa offce namin. Ang sabi po sa SSS is count 12 months backwards starting from the month immediately before the semester of sickness.

    “A semester refers to two consecutive quarters ending in the quarter of sickness.” So ang quarters ending the quarter of sickness is Jan-Feb-Mar and April-May-June 2017.

    If June ang sickness, ang semester po ay January to June 2017 which is excluded sa count. Tama po ba na dapat ang bilang for the MSC will be Jan to Dec 2016 for 12 months.

  • kyle says:

    hi , ask ko lng po kung iintayin po bang maapproved muna ng sss bago mgadvanced si employer ?

  • Joselito m. Sales says:

    Sir,ask q lng po ilan days aabutin bgo q mclaim ung sickleave q. Nagfile po aq nung may.11.2018..sbi po s sss s employer q dw po bbgsak ung claim q. Nagfollow up po aq s employer q wla p dw po.thanks po!!

  • Philip buo says:

    Monthly po ba ang sickness benefits

  • Dennis says:

    Sir, nagfile po ako ng sickness claims at ang binigay na leave sakin ng doctor ay 90days due to operation sa small intestine ko. Ang na approve po ay 60 days lamng dahil yun daw ang na approve ng sss ayon sa employer ko. Naka base po ba talaga sa kung anong sakit yung pwedeng matanggap na sick ness claims?

    • Vincent Rapisura says:

      Hindi po ako sure pero ang maximum po ay 120 days e. Makipagugnayan po kayo sa SSS para malinawan. Pagaling po kayo.

  • Lerma says:

    Good pm sir Vince ..ask ko lng kung pwede pb mag apply ng disability loan ang mister ko n may diabetic dn po sya mka pag work ngaun ..last po hulog nya s sss ay 2005 p po ..thanks in advance for your reply .lerma ng batangas

  • Maria Andes Tejereso Caspe says:

    Hi Sir Vince! As of today my SSS contribution is already 17 years, which is better to receive the pension when i reach 60 or complete the 20 years and start to receive my SSS pention? Thanks!

  • Mika Bawzed says:

    Paano naman po kung Voluntary ang hulog? paano kami maka-avail sa SSS sickness benefits?

  • Paano po pag voluntary member o self employed? Qualified din po ba mag avail ng sickness benefits? Thanks

  • Charie May Gayanilo says:

    Sir, Good day! Ofw po ako sa taiwan. Alam nyo po ba kung magkano ang contribution pag ofw at is it monthly or quarterly? Pwde ko pa bang mabayaran ang mga nakaraang buwan na dito na ako sa abroad? Salamat po nang marami.

  • I’m a plain housewife.. Kumuha aq ng aking sss and about to finish my contributions..ask q po ung rate ng self employed pensioners same din b s isang voluntary wife if i retire soon???

  • Mailyn Espulgar says:

    Parang di advisable.my father contributed for almost 40 years (started contributed 1965 up to 2008)but he didnt enjo his pension .he died on year 2008 at the age of 67.he just enjoy his pension for 7 years only..mas mahaba pa ung time n naghulog sya..

    • Vincent Rapisura says:

      Magkano yung total na naihulog niya versus sa natanggap niya? I’m sure mas malaki ang natanggap niya kaysa sa hinulog niya. Kung employee ang dad mo, karamihan pa ng hulog nun ay employer counterpart.

  • Wilson T. Mendoza says:

    Paano kung voluntary ang status ng member entitled din ba sya ng sickness and burial benefits?

  • Abbi says:

    Pano pag self employed

  • Jacky says:

    Sir paano ba pataasin ang pension ng empleyado kng sakali mgkano ang dapat contribution pra makakuha ng mga 9k a month f 65 na po salamat

  • Rodel says:

    Correction po sa computation 533..33 sana sa example sa taas. Salamat

  • reynaldo sebastian says:

    Sir,

    Paano naman po sa case ng mga OFW?

    paano po namin magagamit ito kung sakali?

Leave a Reply

%d bloggers like this: