Ang halaga ng benefit kada araw ay katumbas ng 90% ng iyong average daily salary credit (ADSC). Upang makuha ang iyong ADSC, kailangan nating ma-compute gamit ang table sa ibaba.
- Bilangin kung ilan araw kang hindi nakapasok sa trabaho dahil sa sakit at kung anong buwan
- Alamin ng semestre kung kailan ka nagkasakit.
- Ang semestre ay dalawang (2) magkasunod na quarters pagtapos ng quarter ng iyong sakit.
- Ang quarter naman ay tatlong magkakasunod na buwan na nagtatapos sa March, June, September o December
- Pagkatapos, bilangan ang isang taon bago ang simula ng semestre kung kailan nagkasakit at alamin ang anim (6) na pinakamataas na MSC o Monthly Salary Credit sa taon na ‘yun. Makikita ito sa nakalagay na table sa itaas.
- Ang MSC ay ang base compensation ng iyong basic salary sa isang buwan.
- I-add ang anim na pinakamataas na MSC at i-divide ito ng 180 days upang makuha ang ADSC.
- I-multiply naman ang ADSC by 90% para makuha ang iyong benepisyo na cash allowance.
- Ang cash allowance mo ay i-multiply sa kung ilan araw kang nawala sa trabaho.
Halimbawa:
Si Jema ay nanatili sa bahay ng anim (6) na araw dahil sa matinding lagnat. Naubos na nito ang kaniyang company sick leaves with pay at maayos naman ang kaniyang mga kontribusyon sa SSS kaya puwede siyang mag-avail ng kaniyang sickness benefit.
Magkano ang kaniyang makukuhang sickness benefit sa SSS?
- Sa buwan ng June 2017 nagkasakit si Jema ng anim na araw.
- Ang semestre ay mula April 2017 hanggang September 2017.
- Ang 12 months bago ang simula ng semestre ay mula April 2016 hanggang March 2017. Para kay Jema ang pinakamataas na MSC niya ay PHP 16,000.
- (16,000 x 6) = 96,000 / 180 = 533.33
- 33 x 90% = 480
- 480 x 6 = 2,880.
Si Jema ay maaaring makakuha ng PHP 2, 880 na benefit mula sa SSS.
Paano makukuha ang sickness benefits?
Kinakailangang masabihan ang employer tungkol sa sakit sa loob ng limang (5) araw sa simula ng sakit ng empleyado at ang employer ang magsasabi sa SSS nito sa loob din ng limang araw pagtapos nalaman ang tungkol sa sakit ng empleyado.
Ang employer ay tutulong sa pag-file ng mga kailangan na document para sa sickness benefit.
Para sa mga OFWs, maaari pa rin silang makakuha ng sickness benefit. Bibigyan sila ng grace period ng 30 days upang masabihan ang SSS tungkol sa kanilang sakit.
Makukuha ni Jema ang kaniyang cash allowance mula sa employer sa araw ng kaniyang payday. Kaya, kailangang maging miyembro ang employer.
Ang SSS na mismo ang magbibigay ng reimbursements sa employer sa pamamagitan ng bank transfer na naka-register sa “Sickness and Maternity Benefits Payment thru-the-Bank Program” (SMB-PTB).
June is part of 1st semester(Jan to June) and not 2nd. Correct me if im wrong.
Paano po kung voluntary member nagkasakit? I notify ang sss ng relatives thru a medical record in a hospital or opd and pano compute ung claims? Thank you
good day ask ko lang po if pwd po ulit ako mg file ng sickness .
nkagamit na po ako ng sickness last oct 2018 due to sore eyes and nakuha ko sya ng january 2019 ..
after that ngkaron po ako ng cervucal polyp then i had d&c ng january 21 2019 then advised to rest for 2weeks ..
pwd po ba ako mgclaim ulit ng sickness for the 2nd time ?
thank you god bless
Good Day Sir,
Naoperahan po ako sa gallbladder at naconfined noong Dec. 26, 2018 to Dec. 28, 2018. Binigyan po ako ng doctor na 14 days recovery period. Patient po ako ng social service ng isang ospital. Ask ko lang if kailangan ba na may tatak na certified true copy ang medical records ko? Kasi ayaw tatakan ng Social Service ng Ospital kasi Social Service nga po.
Good day po..ask ko lang po.na aksidente asawa ko..ilan months n rin po siya hndi nkakapasok kasi blurd yon paningin nya..nahulog po kasi sa building na pinagtratrabahunan..pinapasahod nman siya kahit hindi pumapasok..dapat pa po ba siya mag apply ng sickness benefits..my makukuba po b siya..kahit binabayaran siya ng employer.thanks sa sasagot.
Hi sir good day po. Ask ko lng kung pwede ko pa po ifile yung sick leave ko, kasi po nag ka chicken pox po ako ng 10 days at nung nag pa checkup po ako sa hospital ina advice sakin nang doctor ko na mag file ako ng sick leave, nag file po ako from dec 13 to December 22 at permado po ito ng doctor ko, at pinasa ko na nga sa mag dadala sa employer ko unfortunately nawala po ito, pag nag file po ba ako ulit hindi pa po ba ako late makukuha ko pa din po ba yung 8 days na binigay ng doctor ko mula nung hindi ako naka pasok at may babayaran paba ako sa doctor ko pag pinaperma ko ulit yung sss sick leave form, I appreciate your response. Thank you
Hi sir good day po. Ask ko lng kung pwede ko pa po ifile yung sick claim ko po. Nagkasakit po ako nung october 26, 2018 nasa bahay lang ako hanggang november 1, 2018. Naconfine po ako nung November 2, 2018 ng gabi and nadischarge po ng November 5, 2018. Advised po ng doctor magrest pa po ako ng 2weeks kasi nga viral infection, uti and tigdas ung sakit ko. Balak ko sana ako nalng magfile ng sick claim. Pwede pa po kaya ako magfile then ang date na ngayon is November 27?
goodpm po pwede po ba magaaply ng sickness loan ngaun kahit 3 days lang xa ngrest
Same here. Pwede ka magclaim ng Sickness Benefit for this year then process mo na rin ung Maternity Notification. Anyways next year pa naman due date mo. Hope this helps. Same pala tayo ng due date 😊
sir vince.. ask ko lang po.. naaprove na po nung oct. 18 sss sickness notification ko.. ilang weeks po ba bago lumabas ang tseke kasi po.. hanggang ngayon wala pa.. (nov. 5, 18).. o may kulang pa kong na ifile..
Good morning po andito kmi ngaun sa hospital,,nka comfine,,pwede po b kmi mgfile ng sickness leave kc my binabayaran pa kming LRP?
Sir naaksidente po ako sa motor self accident po.hindi po ako nacomfine peru may record po ako galing sa responder na need ko po magpahinga muna dahil nabugbog po yung tuhoad ko. Hindi po ako makalakad ng maayus. Pwede ko po ba ifile ng sick leave yun? Gamit po yung record ko sa pagka aksidente.
Hi, inquire ko lang kung pede ako magavail ng SSS sickness benefit, I was advised by my OB to rest for 1 month. Pede po ba magclaim ng SSS sickness benefit this year and next year maternity leave, my due date is on May 2019. Appreciate your response. Thank you
Ask ko lang po . Nagfile po ako ng sick leave ko nung june 25 -july 7 14 days po.
Nagpunta po ako sa sss branch at nag inquire kung naapproved na ba at ang sabi nila is okay na . Approved na daw sya
Wala pa rin akong nakukuhang cheke from my employer . Gaano po ba un katagal
Nag-follow up na po kayo sa employer at sss?
Gud day po tanong ko lang nag file po kasi ako ng sss sickness nung aug. 29 tpos my pumasok po sa account ko ng union bank 5098 nagtataka lang po ako kung bakt un lang po kasi ang nakalagay na confinement sa medical ko 180 days active dn po ako sa sss until now at ang msc ko 5000 kc hnuhulugan ko po sia monthly ng 550 voluntary sana po masagot nio maraming salamat po
tanong po ang kinakapatid ko nag ka HIV ulilang lubos na kinupkop namin..nag file kami ng sickness benefit sa company nya kaso late filling na so wala na po nakuha..wala na po bang pag asa na makakuha man lang or another filling of benefits kasi kawawa naman po yung taon na hindi natin alam kung hangang kailan na lang sya pahihirapan ng sakit nya…kami may hirap din sa buhay hindi namin kaya iprovide yung mga gamot nya….sana masagot nyo po ang katanungan ko
Ang HIV po ay hindi na itinuturing na napakadeliakdong sakit KUNG susunod lang po ang kinakapatid niyo sa gamot na ibibigay ng mga HIV centers sa kaniya. Ito po ay libre niyang makukuha. In fact ang HIV po ay para na lang diabetes at high blood. Dapat lang po talagang maging masugid sa pag-take ng anti-retroviral therapy (ART). again, ito po ay libre. You can visit the Love yourself project on this one. People Living HIV live normal lives now. They have the same life spans as people who do not have HIV basta po naka-ART sila.
ask lang po pede ko po ba ifile ng sickness anga asthma
ilang days po bago ma claim un sss sickness benefits?
Kumuha po aq ng sickness benefit s sss kaso denied kasi no qualifying contribution daw kc feb to august lng un contribution ko ..september aq nagkasakit.
yan nga din ang gusto q malaman
kpag ba magcocompute ng monthly salary credits ung sa individual lng n hulog ang icocompute hnd na kasama ang share ng employer..?
Kasama po share ng employer
Gud day po sir.. Tanung ko lang po kung pwede ang mataas ang uric acid.. Ndi nmn dn nkkpsok kc namaga na ang paa.. Salamat po
Basta po may medical certificate.
Sir,
Naapprove na yung Sickness claims ko, usually ilang days bago po macredit yung claims?
Sa karansan po ng staff namin, isang buwan po.
Sir naoperahan po ako nung March 5,2018 ask ko po anung mons. po ako dapat bayad sa SSS para makakuha ng benefits?
Dapat po may at least three contributions kayo (any month) within March 5, 2017 to March 5, 2018.
Sir nagfile po ako ng sss sickness sa company ko last july 8th till now claim nila wala p binabalik si sss normally po how long ang turn around time?tumawag kasi ko sss ang sabi wala parin sila nakukuha
admittedly, talagang atagal po sila. sa alala ko usually mga two months sa company namin e. tiis-tiis lang muna pero mag-follow up ng puspusan para makuha po ang benefit.
Sir ooperahan po ung ako sa laporoscopic… Ifile ko po sickness benefits iyon… Mga magkano po makukuha ko?
Maganda pong sa SSS itanong ito. Sila po nakakaalam. =)
Sir pano ako makakakuha ng sickness form sa agency at sss, naaksidente ako ng july 15 at aug.11 ang operation ko of Multiple facial fracture ..?
Naku, sana po ay ok kayo. Tawag na po agad sa SSS kung paano ang procedure. Ito po ang number SSS Trunkline No. (632) 920-6401.
Question po. Same case sa offce namin. Ang sabi po sa SSS is count 12 months backwards starting from the month immediately before the semester of sickness.
“A semester refers to two consecutive quarters ending in the quarter of sickness.” So ang quarters ending the quarter of sickness is Jan-Feb-Mar and April-May-June 2017.
If June ang sickness, ang semester po ay January to June 2017 which is excluded sa count. Tama po ba na dapat ang bilang for the MSC will be Jan to Dec 2016 for 12 months.
hi , ask ko lng po kung iintayin po bang maapproved muna ng sss bago mgadvanced si employer ?
Ang alam ko po ay aantayin talaga ang bigay ng SSS. Better clarify with your employer po.
Sir,ask q lng po ilan days aabutin bgo q mclaim ung sickleave q. Nagfile po aq nung may.11.2018..sbi po s sss s employer q dw po bbgsak ung claim q. Nagfollow up po aq s employer q wla p dw po.thanks po!!
Monthly po ba ang sickness benefits
Sir, nagfile po ako ng sickness claims at ang binigay na leave sakin ng doctor ay 90days due to operation sa small intestine ko. Ang na approve po ay 60 days lamng dahil yun daw ang na approve ng sss ayon sa employer ko. Naka base po ba talaga sa kung anong sakit yung pwedeng matanggap na sick ness claims?
Hindi po ako sure pero ang maximum po ay 120 days e. Makipagugnayan po kayo sa SSS para malinawan. Pagaling po kayo.
Good pm sir Vince ..ask ko lng kung pwede pb mag apply ng disability loan ang mister ko n may diabetic dn po sya mka pag work ngaun ..last po hulog nya s sss ay 2005 p po ..thanks in advance for your reply .lerma ng batangas
Wala po akong alam na disability loan ang SSS. Hopefully gumaling po ang asawa ninyo.
Hi Sir Vince! As of today my SSS contribution is already 17 years, which is better to receive the pension when i reach 60 or complete the 20 years and start to receive my SSS pention? Thanks!
Ilang taon na po ba kayo?
Paano naman po kung Voluntary ang hulog? paano kami maka-avail sa SSS sickness benefits?
Paano po pag voluntary member o self employed? Qualified din po ba mag avail ng sickness benefits? Thanks
yes, po. Call or email SSS. =)
Of course! Call or email SSS. =)
Sir, Good day! Ofw po ako sa taiwan. Alam nyo po ba kung magkano ang contribution pag ofw at is it monthly or quarterly? Pwde ko pa bang mabayaran ang mga nakaraang buwan na dito na ako sa abroad? Salamat po nang marami.
I’m a plain housewife.. Kumuha aq ng aking sss and about to finish my contributions..ask q po ung rate ng self employed pensioners same din b s isang voluntary wife if i retire soon???
Same lang po ang computation na gagamitin for pension.
Parang di advisable.my father contributed for almost 40 years (started contributed 1965 up to 2008)but he didnt enjo his pension .he died on year 2008 at the age of 67.he just enjoy his pension for 7 years only..mas mahaba pa ung time n naghulog sya..
Magkano yung total na naihulog niya versus sa natanggap niya? I’m sure mas malaki ang natanggap niya kaysa sa hinulog niya. Kung employee ang dad mo, karamihan pa ng hulog nun ay employer counterpart.
Paano kung voluntary ang status ng member entitled din ba sya ng sickness and burial benefits?
Of course!
Pano pag self employed
apply po kayo as voluntary member.
Sir paano ba pataasin ang pension ng empleyado kng sakali mgkano ang dapat contribution pra makakuha ng mga 9k a month f 65 na po salamat
Mag-contribute sa maximum monthly salary credit para mataas ang makukuhang pension.
Correction po sa computation 533..33 sana sa example sa taas. Salamat
Sir,
Paano naman po sa case ng mga OFW?
paano po namin magagamit ito kung sakali?