was successfully added to your cart.

Cart

Kung paano nagbibigay ng pautang ang isang domestic worker

Andi Allado posing behind the skyscrapers of Hong Kong

“Nagbibigay po ako ng financing sa dalawang magsasaka sa probinsiya namin,” iyan ang sabi ni Andi Allado, 34, isang domestic worker sa Hong Kong.

Si Andi ay pitong taon nang nagtatrabaho sa Hong Kong maliban pa sa tatlong taong paglalagi niya sa Dubai, United Arab Emirates. Tulad ng karamihan sa mga OFWs na galing sa probinsiya, nagbibigay ng tulong si Andi sa mga magsasaka sa pamamagitan ng loan.

Makataong pagpapautang

Dagdag ni Andi, “Pero Sir Vince, hindi ako katulad ng ibang nagpapautang na nagbibigay ng mataas na interest. Yung dalawang magsasakang pinautangan ko, hati kami sa kita. So ang benta, kakaltasan ng gastos tapos ang matitirang kita, divided by three.”

Karaniwang llamado ang mga nangangapital o nagpapautang sa ganitong sitwasyon. Sa aking personal na obserbasyon, madalas 70-30 o 60-40 ang hatian, na pabor sa nangangapital o nagpapautang.

Aware din si Andi sa risk na pinapasok niya. Tinanong ko, paano kung malugi ang pagsasaka, magbabayad ba ng interest ang mga magsasaka sa kaniya?

“Sa awa ng Diyos, Sir Vince, hindi pa naman kami nalugi. Balik kapital lang. Hindi na ako humingi kasi wala namang hahatiing kita,” tugon niya.

“Yung una naming tinanim ay kalabasa. Maganda ang kita sa unang ani. Pero sa ikalawang ani, breakeven lang,” sabi ni Andi.

“Buti na lang nagtanim din kami ng munggo kasabay ng kalabasa at medyo nakabawi kami doon,” dagdag niya.

Overcoming guilt to fix her finances

Andi and Sir Vince during the latters World Book Tour and Investment Forum in Hong Kong.

Isang makabago at kakaibang paraan ng pagtulong pinanisiyal ang ginawa ni Andi. Kung tutuusin ay mas maganda pa nga ang kaniyang terms and conditions kaysa sa banko at mga kooperatiba.

Tinanong ko kung bakit ganito ang naisip niya.

“Maaga po akong lumandi, Sir Vince,” sabay tawa at tapik ni Andi sa akin.”

“Nabuntis po ako at hindi ko natapos ang pagaaral ko sa University of Santo Tomas.”

“Dahil po sa guilt ko, lahat na lang binibigay ko sa pamilya ko, wala nang natitira sa akin. Hindi pala maganda yun.”

“Natuto po ako sa LSE* na dapat mas maging masinop sa paghahawak ng pera. Kaya po ngayon, malinaw kung ano ang purpose ng pinapadala ko sa Pinas.”

Si Andi ay nagpapaaral ng kaniyang nagiisang anak sa Pilipinas at nakatira ito sa mga magulang niya. Binibigyan niya ng budget para sa pagaaral ang kaniyang anak at “suweldo” naman sa kaniyang mga magulang bilang pabuya sa pagaalaga sa kanilang apo.

Naalala ko na tinanong sa akin ni Andi dati kung paano susulusyunan ang problema niya sa madalas na pagpapadala ng pera sa kanila. Sinabihan ko siya na ilista kung magkano ang gagastusin niya sa pagpapaaral ng anak at kung magkano rin ang gagastusin niya kung magbabayad siya ng magaalaga sa anak niya.

Pinayuhan ko si Andi na ibigay ang budget sa pagaaral ng anak sa kaniyang mga magulang dagdag pa ang katumbas ng budget sa pagaalaga sa kaniyang anak. Ito ay para maiwasan ang intriga sa pera sa pamilya dahil hiwalay ang budget sa pagaaral ng anak at “suweldo” sa pagaalaga. Malinaw ang usapan.

Sa ganitong paraan, umayos ang pagba-budget ni Andi at nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagbayad ng kaniyang mga utang at makapagipon. Nang maka-ipon na siya, nagsimula siyang mag-invest at ang naisip nga niya ay ang mag-finance sa mga mahihirap na magsasaka sa probinsiya nila.

“Tumutubo na ako, naakatulong po ako sa aking kapwa!” Iyan ang taas-noong pahayag ni Andi.

Si Andi, isang domestic worker, ay naayos ang kanyang paghawak sa pera at nakakatulong pa sa kapwa. Tiyak mas maraming mga mas nakakaangat pa sa propesyon ni Andi.

Ngunit sigurado akong marami ang hindi tulad niya – mga problemado sa pera at hindi pa nakakatulong sa kapwa. Ang hamon ko sa kanila, kung kaya ni Andi, siyempre, kaya rin nila.

*Ang Leadership, Financial Literacy at Social Entrepreneurship (LSE) Program ay naglalayong bumuo ng nagkakaisang mga OFWs at kanilang mga pamilya upang suportahan ang isa’t isa para maging kagalang-galang na miyembro ng komunidad at nagkukusang tumulong para sa pagunlad ng Pilipinas. Ito ay programa ng Ateneo de Manila University. For more information visit: http://learningwealth.org/lse-program.

Aning kalabasa ni Andi at ng kaniyang mga partner na magsasaka.

vincerapisura.com


4 Comments

  • karen Rosales says:

    Sir Vince ang malaki kc problema ay yun kht kamyembro ng pamilya diskumpyado k mgbgay ng tiwala eh…kc po lastly nglabas aq pera konti lng nmn po para mkpgcmla cla ng pagbababoy pru binenta un baboy kc may prob dw s paa sabi nila bbili ng kpalit cgrdu dw po tubo kc malaki inilaki nun inahining baboy tpos un benta lugi pako ng 2mos n pakain kaya sbi q wag nlng mna ulit bmli ng kapalit…naiinis aq s ganun kc sbi q s halip na tumubo eh para aq ngtapon ng pera

    • karen Rosales says:

      Gs2 q sundan apak ni ate andie kc taga probinsya din po aq marami magsasaka sa amin na problema ay kapital pru un ngapo mga taong pede pagkatiwalaan ang priblema q

  • Zonnet navarro says:

    Gusto ko po matutu,paanu humawak ng pera at mka pag ipon

  • tony says:

    mam Andi bakit po devided by 3 sa kita?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: