was successfully added to your cart.

Cart

Kasalanan mo ba kung ikaw ay na-scam?

May time akong magsulat habang nagaantay ng aking flight galling General Santos pabalik ng Manila. Naiaip kong i-text ang real estate broker na nakausap naming at nagtangkang iinvite kami sa dalawang investment scam.

Nakalimutan ko ang pangalan ng mga organisasyong binanggit niya so I texted her. Sumagot siya agad ng ALMAMICO at Kapa (also known as Kappa).

I researched at madali kong nalaman sa advisories ng Securities and Exchange Commission (SEC) and Cooperative Development Authority (CDA) na scam ang mga ito. So I texted our broker back and warned her that these two schemes are scams.

Nanlumo ako sa sagot niya.

Ang sabi niya, “Legality yes but practically no.”

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, so I stopped myself from further texting her. Baka masamain pa ang sasabihin ko at magkaroon ako ng kaaway instead of a convert.

I tried to recall how our conversation went when she was enticing us to invest and gain as much background as I could get to understand her context at bakit siya sumasali sa scam kahit na alam niyang hindi ito legal.

Masinop sa trabaho

Sa totoo lang, we were very satisfied with her service as a broker. She toured us around General Santos city and showed various options sa needs naming. She was a good listener.

In fact, sabi ko sa sarili ko, kung hindi kami sa kaniya makakauha ng property, magaabot ako sa kaniya ng kaunti for her efforts. Pero, she was successful  in providing us a good property that we now call our office and staff house.

Nagsisikap siya at naramdaman ko ang sincerity niya sa kaniyang trabaho.

Small happy family

Kasama niya ang kaniyang baby nung naglibot kami sa mga properties, sakay sila sa kotse ng ama ng kaniyang anak. They are a picture of a small family trying hard to earn a decent living.

Magalang ang ama ng kaniyang anak at masarap silang ka-kuwntuhan. I learned a lot about the environs of the city because of their local knowledge.

Kinarga ko pa nga ang anak nila. Wala pang isang taon ang kaniyang anak at agad humilig sa akin. In fact, kapag buhat nila ang anak, inaabot ng bata sa akin ang kaniyang mga kamay at gusto magpakarga.

Yes, may magic ako sa mga bata. Yan ata ang mother in me. Chos!

Underemployed

Naikuwneto niyang halos isang dekada din siya nagtrabaho sa Manila bilang sales agent at nagdesisyong bumalik ng General Santos para simulan ang kanilang pamilya. Dahil kakapanganak lang niya at gustong makatulong sa partner niyang kumita, napag-isipan niyang mag-offer ng kaniyang brokering skills online.

She’s like the rest of us.

 Looking at her profile, makak-relate tayo sa kaniya. Hindi tayo kaiba sa kaniya.

So what went wrong?

Skilled scammers

For one, grabe na talaga ang sophistication ng mga scammers ngayon. They are really prepared to scam and have mastered the art and science of staging one.

Tracing the scammer’s scheme lagi itong bumabalik sa kanilang tatlong matatamis na pangako: napakalaking kita; once in a lifetime opportunity; at 100% guaranteed. At dahil sweet talker sila, at may mga nagpapapatotoo sa mga sinasabi nila – madali silang pinaniniwalaan.

Alam na natin ang ending nito: mapait na karanasan at pagsisisi.

Mahinang batas

Sa opinion ko, mahina ang batas natin sa pagsupil sa mga scammers. Ang advisory ng SEC at CDA ay noon pang 2017 at wala pa akong nababalitaang nakulong man lang dahil dito kahit na bilyong- bilyong piso na nawawala at libu-libo na ang nabibiktima.

Ang kahinaan ng batas ay sa enforcement nito. Kung walang magrereklamo at magsasampa ng kaso, walang makakasuhan and the scammers get away with their crime unscathe.

Kahihiyan at false hope

Kakaunti ang nagrereklamo at nagsasampa ng kaso sa mga masasamang loob na scammers na ito dahil sa kahihiyan ng mga nabiktima. Sino ba naman ang may gusting humarap sa korte at sa publiko at isiwalat na siya ay na-scam di ba?

Magsasalita lang ang mga ito but most are not willing to come up front and put their statements or testimonials on record.

Sa isang banda, meron din silang feeling n asana maibalik pa ang nawalang pera sa kanila o kaya naman ay magkatotoo talaga ang kabalintunaang ipinangako sa kanila ng mga scammers. False hope ang tawag ko ditto.

 Unintended accessory to the crime

giging unintended participant ka sa scam kung nauna ka dito sa marami, at ikaw ang una sa mga nakinabang. Dahil sa karanasan mong malakinng kita at mabilis na naibalik sa iyo ang investment mo, isa ka sa mga nagpapatotoo sa investment scam.

Sa ganitong sitwasyon, nagiging bahagi ka ng scam, unintentionally.

 Greed

Marami ang nalululong sa scam lalung-lalo na kung na-experience mo talaga na kumite. Kaya ang ginagawa nila ay magdagdag pa sa kanilang investment at palakihin pa ito.

May proof na kasi na the scam works at natikman mo ito. Deep inside you, alam mo nang may mali pero ipinagpapatuloy mo pa rin.

Ang tawag dito ay greed.

Aiming for a secure future

Marami, tulad ng sa broker ko, ay naghahangad lang ng maayos na pamumuhay. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, any means na mapagaan ang kabuhayan ay kinakagat natin.

Education is key

Ang tagline ko ay “ang pagyaman, napag-aaralan.” I cannot emphasize enough the importance of arming yourself with knowledge so that you can make sound financial decisions.

Very apparent na kailangan ng broker kong matuto sa maayos na pagkita ng pera, pero nasa stage pa siya na she is resisting to be educated. So I have to figure out how to approach her.

I also always say na ang pinakamabilis na paraan sa pagyaman ay kung magdadahan-dahan. Sana ay we take time to think things through before making financial decisions.

So, please tulungan niyo ako paano ito i-approach.

Here are other popular investment scams in the Philippines.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: