Ang Social Security System (SSS) ay nagbibigay ng universal (para sa lahat) at equitable (karampatan) na social protection. (Mga babasahin tungkol sa SSS: SSS 101)
Ito ang mga social protection benefits na ibinibigay ng SSS: retirement, funeral assistance, death benefit pension, disability pension, maternity pension at daily cash allowance sa pagkakasakit. Nagbibigay din ng serbisyong pautang ang SSS sa kaniyang mga miyembro.
Kung retirement benefit ang pag-uusapan, maganda ang magkaroon ng SSS. Hindi ito sapat, pero ito ang dapat na mauna dahil ito ang makapagbibigay ng mataas na balik kumpara sa pribadong sektor.
Death benefit
Marami ang nalilito kung ang SSS ay isang insurance o isang pension. Dahil na rin ito sa mga benebisyong ibinibigay nito sa mga miyambro gaya ng nakalista sa itaas.
Ang SSS ay hindi life insurance, nagbibigay ito ng death benefit kaya napagkakamalang tila life insurance ang dating. May dalawang klase ng death benefit na ibinibigay ito depende sabilang ng naihulog na kontribusyon.
Monthly pension
Kinakailangang ang miyembrong namatay ay nakapagbigay ng katumbas o higit pa sa 36 na hulog sa SSS bago ang semester ng kaniyang kamatayan. Makakatanggap ang mga primary beneficiaries niya ng monthly pension.
Ang matatanggap na pension ay nakabase sa naihulog na kontribusyon at sa average monthly salary credit. Ang asawa at hanggang limang anak ang maaring makatanggap ng monthly pension.
Lump sum
Para naman sa mga miyembrong kulang sa 36 ang naihulog na kontribusyon sa semester bago ang kaniyang kamatayan, lump sum ang makukuha ng mga beneficiaries.
Pandagdag sa life insurance
Para sa akin, maaring tingnan ang death benefit bilang pandagdag sa life insurance coverage na kakailanganin. Maliit ang death benefit na makukuha ng mga beneficiaries sa SSS kaya kailangan pa ring kumuha ng life insurance.