was successfully added to your cart.

Cart

Ito ang bangkong nagbibigay ng pinakamataas na interest rate sa time deposit

By July 19, 2017 Savings

Marami ang minamaliit ang mga rural banks sa Pilipinas. Hindi ko naman sila masisisi dahil maraming sa kanila ang nagsasara.

Alam mo bang karaniwang mas mataas ng higit pa sa limang beses magbigay ng interest rate ang mga rural banks kumpara sa commercial banks?

Matagal na akong nagse-save sa rural bank at kailanman hindi pa ako nawalan ng pera kahit napagsarhan na ako minsan. Mapapakinabangan at masusulit natin ang pagse-save sa rural bank kung susundin mo ang aking guidelines.

Ang rural banks ay mga bangkong lisensyado ng Bangko Sentral ng Pilipinas na may layuning magbigay ng financial services sa kanayunan. Mapapansin na marami sa mga rural banks ay nasa mga lugar kung saan wala masyadong makikitang commercial banks.

Nakakatulong ka sa local economic development sa kanayunan kapag sa rural bank ka nag-save. Sa maliliit na negosyo kasi nagpapautang karaniwan ang mga rural banks.

Gaya ng malalaking bangko, ang rural banks ay protektado din ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC). Garantisado ng PDIC ang ating deposito basta’t hindi ito lalagpas ng PhP500,000 per person.

Naranasan ko nang mapagsarhan ng rural bank at laking gulat ko sa bilis maka-claim sa PDIC. Kinailangan ko lang dalhin ang aking valid ID at time deposit certificate. Sa loob ng dalawang oras ay nakuha ko na ang cheke ko na naglalaman ng kabuuang deposito kong hindi lumampas sa PhP500,000.

Kapag nagde-deposit ako sa rural bank, pinapalagay ko ito sa time deposit na more than five (5) years ang term. Sa ganitong paraan, tax free ang interest na tutubuin ng aking time deposit.

Mas malaki ang interest na makukuha sa mga rural banks kumpara sa malalaking bangko. Kung ikukumpara, ang mga commrecial banks ay nagbibigay ng 0.75% interest rate sa PhP500,000 na time deposit samantalang aabot sa 4.00% naman ang sa rural bank.

Para sa akin, mabisang paraan ng pagiipon para sa emergency savings ang time deposit sa rural bank dahil protektado at garantisado ito ng PDIC basta hindi lalagpas sa PhP500,000 ang deposit; nakalagay ito ng long term at bonus na mataas ang interest.

Mag-save na sa rural bank, kikita ka na nakakatulong ka pa sa kapwa.

vincerapisura.com


25 Comments

  • Eldön Tângân Y Arnöcö says:

    Thanks. New knowledge.

  • Evangelina says:

    Salamat po eh ang maxi saver po sa bpi naman po ang aking
    Nagawang time deposit at nagmamature yon every two years
    Now alam ko na na sa rural pala 5 years no tax !salamat po sir vince.
    n

  • Oliver says:

    Sir Vince paano nyo po masasabing Emergency Fund kung long term (5 yrs) time deposit? I mean kung sakaling maglagay ako sa Rural bank ng time deposit worth 500k, paano ko po un makukuha in times of emergency?

    • Vincent Rapisura says:

      Common misconception po ito sa mg atime deposits. Ang akala ng marami, hindi puwedeng makuha kung hindi pa nag-mature. Puwedeng makuha i-preterminate ang time deposit at hindi mababawasan ang savings mo. Usually, masa mababa lang ang interest na ibibigay sa iyo compared sa time deposit interest rate that you signed up for.

  • Nelson says:

    Sir Vince, salamat po sa inyong informative article na ito. Tanong ko lang po, ano po ang pinakamabilis na term ng time deposit sa mga rural banks? Meron po bang 2 or 3 years lang? At, yun pong nabanggit mong 4% interest rate ay per annum po ba?

    • Vincent Rapisura says:

      Ang pinakambailis po na nakita ko ay one week. Pero usually, one month po ang minimum.

      Sa finance, kapag nagbabanggit ng interest rate, ang assumption parati doon ay per annum. Kaya yes, per annum ang rate. =)

  • Kamlon Ulan says:

    Kung naka-time deposit po ang pera ko at bigla po akong nangailangan, pwede ko po mawithdraw ang pera or bawasan anytime? Let say, 3 years TD but on the 2nd year I had an emergency and that is the only fund I have. Ok lang po ba na bawasan yun?

    • Vincent Rapisura says:

      Ma-pre-terminate po siya. So ang mangyayari, babawasan niyo, tapos re-deposit yung naiwan as another time deposit placement. Maguumpisa ulit ang bilang ng term ng time deposit.

  • Bencio L. Sayat says:

    Sir vince pano po kung 2 ang account nyo s 1 banko na may laman pareho na 500k tpos ngsara ung bangko,pareho po ba babayadan ng PDIC ung 2 account mo o 1 lng?

  • Shen says:

    Sir Vince, ano pong ibig sabihin ng separate “settlement savings”. sa pag kakaintindi ko po may time deposit ka sa rural bank not more than 500k, then ung interest iwwidraw mo (every month po ba un or yearly?), then un ung ilalagay mo sa separate settlement savings. tama po ba?

  • Julz says:

    hi mas ok nman talaga uitf kesa savings and tds

  • josephine says:

    pwede po ba makuha ang branch ng rural bank sa probinsya marinduque

  • Rosario says:

    Sir Vince, kung meron kang S/A, TD at Insurance Investment sa isang bank na overall total is more than Php500K, meaning po ba na ang kino cover ng PDIC per depositor, regardless kung ilan ang accounts nia in that particular bank @max 500K?

  • sir Vince meron ako 50k sa savings acct…nong ililipat ko na sa time deposit,ayaw ilipat kasi raw pareho lang saw interest TD at savings acct..and gusto nila gawin ko saw 100k ..para sa uitf ko nlang saw idiposit…

  • So, dapat Sir Vince, nasa 400k max lang ang ideposit para kung tutubo e kasama pa rin sya sa 500k limit ng PDIC. Kung sakaling magsara ito? Thanks!

    • Vincent Rapisura says:

      Ang ginagawa ko ay 500K tapos may separate settlement savings account para interest which I regularly withdraw to make sure no 500K ang nakalagay doon at any given point.

  • Marian says:

    Ano ano po ang mga bangko n rural bank?

  • Boss hanggang magkano naka insured ang pera sa bangko?? may limit ba sila para kung sakaling magsara o mawala ang pera sa bangko mababayaran ba nila yung pera ng depositors?? tanong ko lang

  • Arlene says:

    Thank for the info, paano kopo malalamanang registered ang rural bank sa lugar namin? Pwedi pong bigyan nyo po ng mga registered na rural bank at mga pangalan salamat po ng marami Godbless

  • aldin says:

    Dito rin kami nag si save. Maganda pala mag time deposit rito.

  • maricar inocenco says:

    Sir vince thanks po.. Member n po ako ng card inc microfinance..

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: