I conducted my first training of trainers for social investors and advocates noong March 4-5, 2019 sa Milan, Italy. Maraming salamat kay Khryz Dacillo, isang alumni ng Ateneo OF-LIFE (formerly known as Ateneo LSE), na nagpahiram ng kanilang opisina kung saan ito ginawa.
Financial goals
Isa sa mga benefits ng pagdalo sa training of trainers na ito ay ang aking personal na advice on their financial plans. Pinagawa ko sila ng kanilang financial goals as one of the activities.
Marami sa mga participants ang nahihirapang gumawa ng kanilang financial goals dahil hindi pa nila napag-isipang mabuti ang plano nila sa buhay. Hindi pa nila nabigyan ng panahon na isa-isahin ang mga ito at piliin ang priority.
May mga nagsabing gusto lang nilang kumita pa nang malaki ang kanilang pera. Ang iba naman, gusto lang nilang lumaki ang kinikita ng kanilang pera kaysa daw nakatiwangwang lang sa bangko.
I told them they are missing the point kung ang financial goal nila ay magkaroon ng limpak-limpak na pera. Dapat ang pera kinakasangkapan lang para ma-achieve natin ang mga goals natin sa buhay.
What makes you happy?
Sinasagot ng financial goals ang tanong na, “What makes you happy?” Ang lungkot naman kung ang sagot natin ay pera di ba? Sa akin, hindi dapat goal ang pera, ito lamang ay isa sa mga means natin para matupad ang ating goals.
Helping others while helping themselves
Napansin ko din na kapag nililinaw ang financial goals ng mga participants, lumalabas na may pagka-makasarili ang mga ito. Karaniwang pansariling kasiyahan at kaginhawaan ang hangad.
Wala naman masama sa paghahangad ng masaya, masagana at mapayapang pamumuhay. Pero dapat iniisip natin ito sa koteksto na tayo ay kabilang sa isang komunidad at kinakailangang gampanan natin ang ating responsibilities sa lipunan.
Ang laging sinasabi sa akin ay kapag naisayos na nila ang kanilang finances, saka sila tutulong sa lipunan. Ang sabi ko naman ay, kaya pala naggugulangan tayong mga Filipino. I think kakaunti lang ang talagang masasabing financially free na para gawin ito.
Hindi naman kinakailangang maging financially free muna bago tumulong sa kapwa. Puwedeng-puwede at nararapat itong pagsabayin. In my view, kung tayo lahat magtutulungan, mas madali nating maaabot ang financial freedom.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
I agree, “hindi dapat goal ang pera, ito lamang ay isa sa mga means natin para matupad ang ating goals”, ika nga sa Ecclesiastes 5:10 – Whoever loves money never has enough; whoever loves wealth is never satisfied with their income. This too is meaningless.
So What makes us really happy is by helping those in needs. (Act 20:35 “There is more happiness in giving than there is in receiving”)
I highly commend Sir Vince for opening their eyes of whats matters most 🙂
Jalover Acuemo