was successfully added to your cart.

Cart

Gabay sa pagbibigay ng sangla bilang negosyo at sa personal transactions

By April 20, 2018 Loans

Ang sangla ay habol sa ari-arian na ibinigay sa isang taong nagpautang ng pera kung sakaling ang pera ay hindi mababayaran sa takdang panahon. Isa itong estado o kundisyon ng pangangako ng seguridad sa utang.

Mga bagay na puwedeng isangla

Maraming bagay ang puwedeng isangla. Ang pinakasikat at pangkaraniwan sa lahat ay ang alahas tulad ng ginto, brilyante, platinum –kaya naman nagkalat at bawat kanto na yata sa Pilipinas ay may pawnshop.

Sunod dito ang mga electronic gadgets at appliances tulad ng celphone, laptop, tablets, TV at iba pa; na nasa magandang kundisyon pa. Mas mataas ang makukuha kung kasama pa ang orihinal na packaging ng mga ito kasama ang mga manuals at accessories.

Maari ding gamiting pangsangla ang mga musical instruments at mga designer bags. May mga big ticket items din at ginagamit ang sasakyan at lupa bilang sangla.

Sangla bilang negosyo

Pinakamaganda pa rin na i-register ang sanglaan o pawnshop kung talagang seryoso itong pasukin bilang negosyo. Ang mg apawnshops ay sumasailalim sa regulation ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Basahin ang BSP circular 938 at ang Guidelines in Registering Pawnshops upang magkaroon ng kaalaman kung paano masisimulan nang legal ang sanglaan.

Maganda ring malaman na ang papasuking negosyo ay nasa mature stage na mahigpit ang kompetsiyon. Ayon sa report ng BSP, may 15,763 registered pawnshops sa Pilipinas as of October 31, 2017.

Kung tumatanggap ng sangla on a regular basis, kinakailangan na po itong i-register bilang negosyo. Pero kung paisa-isa lang at hindi naman naglalagay ng significant amount na kapital para dito, ito ay personal transaction na maituturing.

4 na gabay sa pagtanggap ng sangla

Marami an nagtatanong sa akin kung magano ang tamang interest o balik kapag sila ay tumanggap ng sangla. Dalawa ang guidelines na binibigay ko para dito.

Una, iwasan na ang panggagalingan ng pagyaman ay galing sa o magdudulot ng paghihirap ng iba o misery of others. Kinakailangang ang gagawing pagtanggap sa sangla ay naglalayong makakatulong sa pinapautangan at hindi dagdag pabigat sa kanila.

Laging ilalagay ang sarili sa pinauutangan at doon malalaman kung labis ang interest o balik na inaasahan. Isipin ang ipinapataw na interest o inaasahang balik at tanungin ang sarili kung ikaw ay gipit, nanaisin mo ba at tatanggapin ang laki ng interest o balik na pinapataw mo?

Kung ang sagot ay hindi, masyadong malaki ang ipinapataw na interest o inaasahang balik.

Pangalawa, sikaping hindi lalagpas sa 3% kada buwan ang ipapataw na interest, tubo o balik sa iyo. Anumang halaga na mas mataas pa dito, para sa akin, ay hindi na makatao. (Basahin: Magandang negosyo ba ang pagpapautang?)

Ito ang dahilan kung bakit tayo may mga formal institutions at non-bank financial institutions na siyang nagbibigay ng serbisyo sa pautang. Kinakailangan kasi ng masusing proseso sa pagkilatis sa papautangan para siguradong makakabayad at mababa ang interest na babayaran.

Pangatlo, siguraduhing mababayaran sa cash ng pinautangan ang utang, hindi para maremata o mailit ang ari-arian sa mababa o murang halaga. May iba kasing tumatanggap ng sangla pero ang pakay ay hindi pagtulong kundi ang pagnanasa na hindi makabayad ang pinautang upang mapasakanila ang isinangla.

Pang-apat, kinakailangang may kakayahang maningil sa pinautangan. Hindi sapat na awa at tiwala lang ang gamit sa pagpapautang. Isaalang-alang din ang character at kakayahang magbayad ng pauutangan.

Tandaan na ang responsibilidad sa paniningil ay nasa nagpapautang. (Basahin: May “K” ka na ba magpautang?)

Mali ang pagpapayaman mula sa kahirapan ng iba

Maraming paraan ng pagpapayaman. Piliin ang paraan kung saan ito ay legal at nakakatulong sa mga pasanin ng iba. Iwasang maging dagdag pabigat dahil mali ang pagpapayaman mula sa kahirapn ng iba.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: