was successfully added to your cart.

Cart

Gaano dapat kabilis mabawi ang investment mo sa condo?

Usung-uso ngayon ang pag-iinvest sa condominium. Marami ang na-eenganya lalung-lalo na ang mga OFWs dahil isa itong konkretong paraan kung saan may napupuntahan ang kanilang pinagpagurang pera abroad.

Ayon sa marami, may cashflow kasing pumapasok sa pagpaparenta ng kanilang condo at sakaling naisin na nilang umuwi o mag-“for good” ay siguradong may titirhan na sila pagbalik sa Pilipinas. (Read: Quick guide in putting up a rental property)

Return on Investment

Ang return on investment (ROI) sa mga rental properties ay dapat nasa 8 years. Ibig sabihin, a loob ng walong taon, mababawi ang kabuuang gastos sa pagpapatayo ng property sa loob ng walong taon. Katumbas ito ng 12.5% annual rate of return.

Lagi akong tinatanong kung bakit ito ang panukat na ginagamit. Una, ito ay industry standard na ginagamit ng mga real estate companies. Pangalawa, ikukumpara ito sa mga safer investments na mataas ang security at titingnan kung worth it ba ang magpatayo ng rental property.

Compare with safer and liquid investments

Sa pangalawang rason, ang ginagawa ko dati ay gamitin ang treasury bill rate bilang bench mark sa pagtingin kung papasok ba ako sa isang negosyo o hindi. Ang treasury bill kasi ay isang uri ng investment na mataas ang security dahil guaranteed ng gobyerno at mas mataas ang karaniwang bigay na return kumpara sa time deposit.

Ang 360-day treasury bill ayon sa bangko sentral ng Pilipinas noong Setyembre ay pumapalo na sa 5.1%. Maari ding gamitin ang Pag-IBIG MP2 na nagibigay ng 8.11% return kung ang investment ay maaring ilagay ng long term at hindi kakailanganin sa lalong madaling panahon.

Weigh your options 

Ngayon balikan kung matatanggap mo ba ang return on investment na mas tatagal pa sa walong taon kung may option ka namang ilagay ang pera mo sa liquid and safe investments tulad ng treaury bills at ng Pag-IBIG MP2.

Choose an investment that matches your goals

Kaya lagi kong sagot sa mga nagtatanong sa akin kung ano daw ba ang magandang investment na magbibigay na malaking kita; na kailangan muna nilang linawain ang kanilang financial goals dahil naka-base doon kung tama ang kanilang pipiliing investment. Sumulat ng financial plan bilang gabay.

Kung ang condo ay binili bilang investment at hindi balak tirhan, sumunod sa industry standards na eight years ROI. Kung ito naman ay titirhan, kailangang ang babayarang amortization ay hindi lalagpas o lalayo sa kasalukuyang binabayarang renta.

Sa huli, ikaw pa rin naman ang magdedesisyon kung anong investment at anong ROI ito ang acceptable sa iyo. Maganda lang na sa pagdedesisyon mo ay alam mo ang mga standards at ang mga pros and cons ng pinapasok na investment.

 

 

 

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: