Akala ng maraming domestic workers ay hindi nila kakayanin ang magkaroon ng passive income. Sa ipinakitang financial discipline at investment strategies ni Anne Mendoza, napatunayang maaari itong maging reality.
Focused and determined
Nilapitan ako ni Anne para sabihin sa akin na isa siya sa mga masugid na followers ko sa FB. Natuwa ako dahil magaan siya kausap at naibahagi nga niyang meron siyang 20-door apartment.
Isa sa naging malinaw sa akin kung bakit naging posible ito ay dahil sa pagiging focused and determined niya sa kaniyang objective. Nagawa niya ito sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa kaniyang pamilya at mga kaibigan ng kaniyang objectives.
Prioritizing financial goals
Katulad ng maraming domestic workers, naghahangad na ring makauwi sa Pilipinas si Anne para makapiling muli ang kaniyang pamilya. Kaya ang naging target niya ay magkaroon ng passive income na dapat mas malaki ng tatlong beses ng pension na makukuha niya sa Italya.
Ginawa niya ito paunti-unti at napili niyang magpatayo ng rental property para dito. At the beginning, katumbas lang muna ng pension ang target niya.
Pagkatapos niyang maabot ito, dinagdagan niya ang apartment units at ang target naging twice ng pension. Hangang sa nakamit niya ang 3 times equivalent na pension mula sa passive income from rental properties.
Ngayon nasa 6x na level na siya.
Ang sikreto? Kailangang gawing first priority ang target para makamit ang financial goal.
Wise and practical spending
Ginawa niyang priority ang pagpapatayo ng apartment at nangahulugan ito na hindi siya magpapatayo ng malaki at magarbong bahay na titirhan niya at ng kaniyang pamilya. Ayos sa kaniya, modest house ang kaniyang ipinatayo.
Iniiwasan din niyang sumunod sa uso sa mga gadgets para mapaglaanan ng budget ang construction ng apartment. Pareho kami ng prinsipiyo, magsakripisyo ngayon para magkaroon ng passive income from investments. Kapag meron na nito, maaaring mas malaki pang bahay para sa sarili ang maipapatayo.
Start early
Nagsimula si Anne sa kaniyang apartment project noong 2007 nang bumili siya ng lupa. Habang hinuhulugan niya ito ay nag-iipon na rin siya para sa construction.
Kaya ang payo niya sa mga OFWs na bata pa, magsimula nang maaga para maaga din ang option na makapag-retire.
Local knowledge
Mahalaga ding malaman kung ano ang kalagayan ng market sa pagpapatayuan ng apartment. Ayon kay Anne, university site ang nabili niyang lupa at ang target market niya ay mga guro at estudyante.
Ipinaliwanag niya na hindi kalakihan ang kayang ibayad ng kaniyang target market at hindi maaring mauwi lang sa renta ang kinikita o allowance nila. Kaya minabuti niyang gawing studio type ang kaniyang apartment units at may sariling CR ang bawat isa. Iyan daw ang mahalaga at gusto ng market doon.
Read: Paano gumawa ng market research para sa rental business
Multiple sources of income
Hindi lang iisa ang source of income ni Anne. Bukod pagiging domestic worker at pagkakaroon ng apartments may piggery din siya.
Bukod pa dito ang source of income ng kaniyang asawa. Pareho silang kumakayod.
Magsimula at huwag ipagpaliban
Tunay na kahanga-hanga ang nagawa ni Anne. Naipakita niyang hindi hadlang kaya din ng isang domestic worker na tulad niya ang magkaroon ng passive income.
You have to start somewhere. Kailangang may gawin ka upang mabago ang iyong kapalaran.
Stop procrastinating and just do it.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management