was successfully added to your cart.

Cart

Document requirements para sa Pag-IBIG housing loan

By April 8, 2018 Loans, Pag-IBIG

Ito ang mga listahan ng document requirements kapag nag-apply ng housing loan sa Pag-IBIG.

Basic requirements (upon loan application)

  1. Dalawang kopya ng Housing Loan Application with recent ID photo of borrower at ng co-borrower, kung applicable  HQP-HLF-068/069)

Download links:

2. Proof of Income

Para sa mga locally employed, alinman sa mga sumusunod:

  • Notarized certificate of employment and compensation (CEC) – Nakasaad dapat ang (a) gross monthly income; at (b) monthly allowances o kaya naman ay monthly benefits na perang natatanggap
  • Latest income tax return (ITR) na may attached BIR Form No. 2316, stamped received by the BIR – Ito dapat ay ang taon bago ang kasalaukuyang taon ng loan application (immediately preceding year)
  • Certified one (1) month payslip sa loob ng tatlong nakaraang buwan bago ang petsa ng loan application. Para sa mga government employees, ito dapat ay ibigay kasama ng CEC o kaya ay ng ITR.

Para sa mga self-employed, alinman sa mga sumusunod na proof of income:

  • ITR, audited financial statements at official receipt ng tax payment galing sa bangko. iBigay dn ang mga sumusunod: DTI registration and mayor’s permit o kaya naman ay business permit bilang supporting documents
  • Commission voucher na nagpapakita ng pangalan ng issuer at contact details nito. Ang mga vouchers ay dapat napapaloob sa huling 12 buwan.
  • Bank Statement o kaya naman ay passbook sa huling 12 buwan lalong-lalo na kung ang income ay galing sa remittance abroad o kaya naman ay pension.
  • Kopya ng lease contract o kaya naman ay tax declaration kung ang income ay galing sa rental business, pagpaparenta o paupahan
  • Certified true copy ng transport franchise na in-issue ng tamang ahensiya ng gobyerno – Local government unit (LGU) para sa mga tricycle; at Land Transportation Franchise Regulatory Board (LTFRB) naman para sa mga Public Utility Vehicles (PUVs)
  • Certificate of engagement na in-issue ng may-ari ng negosyo
  • Iba pang dokumentong makapagpapakita ng pinanggagalingan ng income para ma-validate o masiguro ito

Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), alinman sa mga sumusunod:

  • Employment contract – employment contract sa pagitan ng employee at employer; o kaya naman ay Philippine Overseas Employment Admonistration (POEA) standard contract
  • Certificate of Employment and Compensation (CEC) – Ang CEC ay dapat nakasulat sa official letterhead ng employer/company; o kaya naman ay CEC na pinirmahan ng employer (para sa mga household staff at iba pang may kaparehong trabaho) na may kasamang photocopy ng employer’s identification card (ID) o kaya ay passport bilang supporting document
  • Income Tax Return na nai-file abroad o sa host country/government. Kapag ang mga ito ay nakasulat sa wikang banyaga (foreign language), kinakailangang isumite ang English translation nito.

      3.  Isang back-to-back photocopy ng valid ID ng alinman sa mga sumusunod, kung applicable – principal borrower at ng asawa nito; co-borrower at ng asawa nito; seller at ang
asawa nito; co-borrower at ng asawa nito; seller at ang asawa nito; at ng authorized representative at attorney-in-fact ng developer

      4. Transfer certificate of title (TCT) (latest title, certified true copy). Para sa condominium unit, present TCT ng lupa at condominium certificate of title (CCT) (certified true
copy). 

      5. Updated na tax declaration (house and lot) at updated na real estate tax receipt (photocopy)

      6. Contract-to-sell or o mga katulad nitong kasunduan (similar agreement) sa pagitan ng buyer at seller

      7. Vicinity map/sketch ng property

Mga karagdagang document requirements, kung kinakailangan lamang (if applicable)

Ang mga sumusunod na dokumento ay hihingiin lamang sa inyo kapag ito ay applicable sa inyong sitwasyon.

Upon loan application para sa mga OFWs

  • Special power of attoreny (SPA) na na-notarize bago ang petsa ng paglipad papuntang abroad (departure date). Maari ding ang SPA ay na-notaryo ng isang Philippine consular officer, kung nasa abroad na. Kung ang SPA ay na-notaryo ng isang local notary kung saan nagtatrabaho abroad ang OFW, maari pa rin itong gamitin pero kinakailangang authenticated ng Philippine consulate abroad
  • Maari ding hingiin ng Pag-IBIG ang isa o alinman sa mga sumusunod na dokumento: (a) pay slip kung saan nakasaad ang income na natanggap at ang period covered nito; (b) valid na Overseas Workers Welfare Admonistration (OWWA) membership certificate; (c) Overseas employment certificate (OEC); (d) passport na may tamang (appropriate) visa o working visa; (e) residence card o permit – kung saan ang permit ay nakasaad na trabaho ang dahilan; (f) remittance record sa bangko; at (g) professional license na in-issue ng host country/government. Kapag ang mga ito ay nakasulat sa wikang banyaga (foreign language), kinakailangang isumite ang English translation nito

Upon loan application para sa mga 60 years old and above

  • Insurance Coverage
  • Health Statement Form (Medical Questionnaire) 
       a. Para sa mga borrowers na mas matanda pa sa 60 years old.
       b. Para sa mga borrowers na hanggang 60 years old ang edad, kung ang loan nila ay PhP2 million hangang PhP6 million
  • Health Statement Form (Medical Questionnaire) and at kopya ng resulta ng medical examination na ginawa bago ma-assign abroad na requirement ng employment agency
       a. Para sa mga OFW borrowers na mas matanda pa sa 60 years old

Upon loan application kung ang loan ay pambili ng lupa na may kasamang pagpapagawa ng bahay

  • Building plans, specification na may kasamang bill of materials na napirmahan ng lisensiyadong civil engineer o kaya naman ay architect

Upon loan application para sa mga properties na binibili mula sa developer, corporation o kaya naman ay association

  • Kung developer, license to sell
  • Secretary’s certifictae kungn sino ang authorized signatory ng developer, corporation o association
  • Isang photocopy back-to-back ng valid ID ng corporate secretaru at ng authorized signatory ng developer, corporation o association

Mga document requirements bago ang loan release

  • Surety bond (para sa mga ari-ariang subject to the lien na ipinapataw ng Section 4 Rule 74 of the Rules of Court)
  • Collection servicing agreement with authority to deduct loan amortization o kaya naman ay post dated checks, kung ito ay applicable
  • Occupancy permit para lamang sa mga bibili ng bagong residential unit
  • Para sa mga PLCH – occupancy permit; building plans, electrical and sanitary permits na aprubado ng mga building officials

Guide in buying a house

Siguraduhing kumpleto ang iyong document requirements para makaiwas sa anumang delays. Proteksyon mo rin kasi ito kung “in order” o maayos ang papeles na hawak mo. Iwas sabit.

Gamitin ang aking 3-20-20-20 housing rule bilang gabay sa pagkuha ng housing loan. Ang loan amount mo ay hindi dapat lalagpas sa tatlong taong kita; maximum of 20 years to pay; mag-ipon ng 20% equivalent down payment ng proprty value; at ang loan amortization ay dapat hindi lalagpas sa 20% ng buwanang kita. (Watch: Guide in buying a house)

vincerapisura.com


5 Comments

  • Nerzus says:

    Good day sir… Na complete ko na po kasi lahat ng requirements passing to pag ibig nlng po medyo na confuse lang ako at medyo nawala sa isip ko yung instruction regarding SURETY BOND, san ko po kaya sya i-aapply/makukuha and panu po? Thank you sir…

  • soul_ assassin says:

    Sir, Good Day po!! ask q lng po sana kc mgaapply po sana kmi ng housing loan for house construction. .. Un TCT po kc nkapangalan sa parents q .. ang borrower po un kapatid q…confirm q lng po na pd n po b un SPA na pumapayg un title holder na gawin collateral un property.. un form po number po is HQP-HLF -275 , form din po yan from Pag-ibig .. Thanks in advance po..

    • Vincent Rapisura says:

      Lapag house construction kasi yung title dapat nakapangalan din sa borrower. Home improvement po ang puwede sa sitwasyon niyo. Pero para sure, ptanong po kayo diretso sa Pag-IBIG.

  • john villademosa jr says:

    Thanks sir vince mas klaro at simple ang topic!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: