was successfully added to your cart.

Cart

Damayan: Paano ito gumagana at nakakatulong sa mga mahihirap

Naglabas ng joint memorandum circular ang Insurance Commission, Cooperative Development Authority at ang Securities and Exchange Commission noong January 29, 2010 upang liwanagin kung ano ang damayan.

Ano ang damayan?

Ayon sa circular ang damayan o abuloy system ay ang pagsasama-sama ng mga indibidwal o grupo ng mga indibidwal na magbigay ng boluntaryong pledge at kontribusyon na pera para sa isang pondo. Ang benepisyong matatanggap sa pagsali dito ay hindi pre-determined kundi nakasalalay sa kung magkano ang makokolekta sa pledge o kaya ay kontribusyon sa pondo.

Ang pagsali, pagiging miyembro o membership sa pondo ng damayan ay boluntaryo. Ang mga nakolektang pera sa pondo ng damayan ay ibibigay sa biktima o aggrieved party tulad ng mga namatayan, nagkasakit o kaya ay tinamaan ng sakuna kapag nangyari ang contingent event. Kinakailangang ang biktima o aggrieved party ay kasapi sa nagbibigay ng pledge o kontribusyon sa pondo.

Kaibahan ng insurance sa damayan

Inilatag din ng naturang circular ang kaibahan ng insurance sa damayan. Sa insurance, regular ang contribution o premium na binabayaran bago pa man mangyari ang contingent event. Kasabay nito, may garantiya sa halaga ng benepisyong matatanggap kapag nangyari ang contingent event.

Social protection for the poor 

May mga microfinance institutions tulad ng kooperatiba at non-government organizations na parehong nagbibigay ng insurance product at damayan sa kanilang mga kliyente. Para sa akin, isa itong mabisang paraan upang dagdagan ang social welfare benefits na ibinibigay ng gobyerno.

Sa SEDPI Microfinance, kami ay nangongolekta ng membership sa mga kliyente namin. Ito naman ay siyang ginagamit namin pambili ng group life insurance at pinangagaglingan din ng budget para sa damayan.

May limang branches kami na nakakalat sa Agusan del Sur at Surigao del Sur. Nasa limang libo ang aming miyembro na karaniwang mga microentrepreneurs, magsasaka o mangingisda.

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: