Isa sa mga dahilan ng kahirapan ay ang pagkakasakit. Isa itong malaking dagok sa gastusin ng pamilya dahil malaki ang gastusin sa gamot, ospital at professional fee ng mga doctor.
Kamakailan, isa sa aking mga employees ang nagkasakit at na-confine sa ospital. Nagkaroon siya ng hematoma sa mata at kailangan itong operahan nang mabilisan.
Sa mga ganitong panahon, lahat ng puwedeng makatulong sa atin ay gagawin natin para maibalik ang ating kalusugan. Kalusugan kasi ang puhunan sa ating pagta-trabaho.
Bukod sa PhilHealth na nakatulong nang malaki sa bawas ng bills na binayaran sa ospital, ang SSS ay may sickness benefit din para sa kanilang mga miyembro.
May pitong mga benepisyo ang SSS: sickness, maternity, disability, retirement, death, funeral, at employment at loan. Uunahin nating alamin ang SSS Sickness benefit. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa SSS, basahin ito.
Sickness benefit
Ang layunin ng sickness benefit ay makapagbigay ng cash allowance para sa mga SSS member na hindi nakapasok sa trabaho dahil sa sakit o pinsala.
Ngunit hindi lahat ng mga SSS member na nagkasakit ay makakakuha nito. Ang sumusunod ang mga kondisyon upang makuha ang sickness benefit.
- Hindi nakapasok ang miyembro sa trabaho ng apat (4) na araw o higit pa dahil sa sakit o pinsala. Maaari siyang naka-confine o na sa bahay lamang.
- Ang miyembre ay nakapagbayad na ng kontribusyon ng tatlong (3) buwan sa loob ng isang taon bago ang simula ng semestre ng kaniyang sakit.
- Nagamit na niya ang lahat ng company sick with pay
- Nasabihan niya ang kaniyang employer tungkol sa kaniyang sakit. Kailangan namang ipagbigay alam nang direkta sa SSS kung self employed o voluntary member.
Para naman sa detalyadong sickness benefit, i-download ang guidebook na ito.