“Gusto ko sana, sir, bahay ang maging souvenir ko sa utang.” Iyan ang pahayag ni Merlina sa akin, isa sa higit kumulang 5,000 microfinance clients namin sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Kumunot ang noo ko at pilit kong inintindi ang ibig niyang sabihin. “Souvenir” ba talaga ang narinig ko?
Paliwanag ni Merlina, sa tagal daw niyang nagungutang, ang mga souvenirs daw niya ay kaniyang mga anak na napagraduate niya. At ang huling “souvenir” niyang gusto ay bahay.
Positibo ang tingi niya sa utang dahil nang inusisa ko kung saan niya ginamit ang utang, pinang-negosyo niya ito. Ang kita sa negosyo ang ginamit niyang pampaaral sa kaniyang mga anak.
Kung walang utang, waang negosyo, hindi makakapagtapos sap ag-aaral ang kaniyang mga anak. Isang magandang halimbawa si Merlina sa tamang paggamit ng utang. Good debt ang tawag dito.
Sa loob ng anim na buwan, 205 ang interest na ipinapataw namin sa aming mga kliyente. Di hamak na mas mababa ito sa 20% kada linggo o kada buwan ng five-six.
Pero kahit sa ganitong interest rate, prohibitive pa rin kung ang magiging loan purpose ay gagamitin sa pagtatayo ng titirhang bahay. Napagtanto ko na hindi kakayanin ng financing company naming magbigay ng mas mababa pang interest.
Kaya minabuti kong makipag-partner sa Pag-IBIG. Dahil socialized housing ang paso, nasa 3% per annum lang ang interest sa housing loan.
Sinimulan na namin ito at may mga miyembro nang nag-apply pang-house repair o improvement; pambili ng lupa; pagpapatayo ng bahay; at pagbili ng bahay at lupa. Mataas ang pag-asang maibibigay namin ang huling “souvenir” ni Merlina sa utang, at magkakaroon siya ng bahay.
Kayo, anong souvenir niyo sa utang?
Kasama ko ang mga microfinance clients Hinatuan, Surigao del Sur. Si Merlina, ay nakaupo
sa kaliwa ko at may suot na violet sleeveless blouse.