Brisbane, Australia – Kasama ng aking partner, nagbakasyon kami sa Adelaide upang bisitahin ang aking dalawang kapwa nurse na kapatid at ang kanilang mga anak. Naging masaya ang bakasyon pero dahil ako ay isang advocate ng financial education, hindi nakaligtas sa akin ang pag-usapan ang tamang paghawak ng pera.
Napagdesisyunan naming magkakapatid na magkaroon ng aming sariling savings club at ako ang tatayang ingat yaman. Busy daw kasi ang aking mga kapatid sa kani-kanilang pamilya at dahil ako naman ay wala namang anak, ako na daw ang tumulong sa kanilang palaguin ang kanilang pera.
Sige na nga…
Para maisakatuparan ito, kinaialngan kong magbukas ng savings account sa Australia. Laking gulat ko sa dali ng proseso.
One government ID
Kinailangan ko lang ng isang government identification card para patunayan ang aking pagkatao. Ipinakita ko lamang ang aking dala-dalang passport.
Daig pa nila ang mga bangko sa Pilipinas na nanghihingi ng dalawang government IDs.
Walang forms na kailangang i-fill up
Kinuha ng teller ang aking passport at ginamit ang mga impormasyon na nakalagay doon at siya na mismo ang naglagay ng mga ito sa kaniyang computer. Maya-maya ay nag-printout na siya ng account opening forms kung saan nakalagay ang aking personal information.
Pina-verify niya kung tama ang mga nakalagay na impormasyon at kung tama ay ako ay pipirma na. Hindi katulad sa Pilipinas na sangkatutak na papeles ang kailangang i-fill out at paulit-ulit pa ang mga impormasyong tinatanong.
Walang signature card
Ang isa pang nakakagulat ay wala akong signature card na pinirmahan. Automatic akong in-enroll sa kanilang online banking at ang sabi sa akin ay ang aking kaalaman tungkol sa galaw ng aking account at personal information kasama ng aking ID ang aking mga kakailanganin para maging maayos ang aking mga transaksyon.
Pinaalalahanan ako na pakaingatan ang aking personal information at password para manatiling protektado ang aking account.
Walang required account opening balance
Hindi natatapos doon ang aking pagkamangha sa kanilang banking system. Laking gulat ko na naman nang tinanong ko kung kailangan bang may i-deposito na ako sa aking account para ito ay ma-activate. Sabi ng teller ay hindi ito kinakailangan basta’t sa susunod na mga araw ay gamitin ko ito.
Convenience at ease of access
Tunay na nakakainggit ang ganitong klase ng banking service. Napakalayo pa ng kinakailangan nating marating sa Pilipinas at madami pa tayong pupuwedeng i-improve.
Kung ganito kadali mag-open ng savings account sa mga bangko sa Pilipinas, tiyak na maramin mai-enganyang mag-ipon. Ginagawa kasi itong hindi intimidating.
(Written inflight December 28, 2017)
Same system din d2 sa Bahrain.. kya malaking bagay talaga ang may national ID.. ang problema, ang mga pinoy ayaw ng sistema specifically ung mga politiko!
Your right Vince! at kung ganyan ba sana dito sa Pilipinas di madaming Pinoy ang maencourage or engayo na magsave sa banko..kadali naman.