Habang tumatanda tayo, mas nagiging independent na tayo sa mga responsibilidad. Gusto natin at may kakayahan na tayong mag-desisyon mag-isa.
Kaya madalas ay nagkakaroon ng di pagkakaintindihan tayo sa ating mga magulang dahil gusto nilang may kinalaman sila sa mga mahahalagang galaw natin.
Independent but inclusive
Sa aking financial life stages, kapag tayo ay tumungtong na sa 23 years old, dapat ay independent na tayo sa ating mga magulang. Ang ibig sabihin nito ay dapat hindi na tayo nakaasa sa mga magulang natin upang mabuhay.
Minsan may mga sumosobra naman sa pag-exert ng kanilang independence at totally left out naman ang mga magulang. Hindi rin ito healthy.
Let us be more inclusive of our loved ones, especially when it comes to important decisions in life.
Respect your parents
Bilang pagtanaw ng respeto sa ating mga magulang dapat ay sinasabihan natin sila ng ating mga mahahalagang plano. Alam ko at dama ko ang inyung mga #hugot sa usaping ito, dahil minsan labis dina ang kanilang pangingialam at may dagdag pang kakulitan.
Alalahanin nating this is coming from a good place. I think hindi maalis sa mga magulang na proteksyunan ang kanilang mga anak at ginagawa lang nila ito ayon sa pagintidi nila sa sitwasyon.
Bridge the generation gap
May pagkakaiba kasi ang pananaw natin sa pananaw nila dala na rin ng kaibahan sa edad. Ang mga pagpapahalaga nila ay medyo may kaibahan sa mga pagpapahalaga natin dala na rin ng paglipas ng panahon.
Ang pinakamabisang paraan sa pagkakaintindihan ay masusi at taos pusong pagpapaliwanag.
Iisang pares lang ang nanay at tatay natin. Madalas man silang matampuhin at sensitive, ito ay dahil naninibago sila sa bagong estado ng kanilang buhay.
Mananatili tayong mga anak sa mata nila. Sana ay hindi umabot sa pagsisisi na sa kanilang pagpanaw ay pagsisisihan nating ipinagkait natin ang maging anak para sa kanila.