Pundasyon ng maayos na paghawak sa pera ang pagsunod sa mga gawaing nagpapabuti sa atin, tulad ng akin 10 commandments to retirement. Dahil ang mga nakasulat dito ay mga dapat nating gawin upang magkaroon ng matiwasay na retirement; gumawa din ako ng listahan ng mga hindi magagandang financial habits na kailangan nating iwasan.
Narito ang 7 deadly financial sins.
- No plan – Wrath
Kapag wala tayong financial plan, maaaring hindi maganda ang kakalabasan nito dahil walang basehan at hindi napagisipang mabuti. Paghahanda ang kailangan natin upang magkaroon ng matinong desisyon at ito ay sa panamagitan ng paggawa ng financial plan.
Kapag may galit tayo sa ating puso, pabigla-bigla ang ating mga magiging desisyon. Hindi natin nabibigyan ng panahon ang pag-iisip na taliwas sa disiplina ng pagpaplano.
We have to manage our emotions para hindi tayo magkaroon ng galit. Maging mahinahon at gumawa ng financial plan. You will find satisfaction and meaning in life kapag gagawin mo ito.
- Having bad debts – Anger
Wants ang nakakapagpasaya sa buhay dahil nakakakapawi ito ng pagod at nagkakaroon tayo ng matiwasay na pamumuhay. Hindi masama ang wants, per se, nagiging masama lang ito kung gusto natin ang wants dahil sa inggit o envy.
Kapag ang wants ay binili gamit ang utang, this is the worst form of spending. Hindi mo pa kasi ito kinikita, ginagasta mo na.
Practice delayed gratification to temper your appetite to get loans. Subukan ding magkaroon ng mas simpleng pamuumuhay para hindi mahal ang mga wants natin.
Remember, use loans for productive purposes only.
- Overspending – Gluttony
Madalas kong marinig sa mga mahilig mag-shopping, bumili ng gadgets, kumain sa labas at mag-bakasyon ay dahil daw they deserve this for working hard. Wala naman masama doon basta hindi labis-labis ang gagastusin sa budget.
Tandaan na ang lahat ng labis ay masama. We have to take everything in moderation.
The best way to finance indulgence is through passive income. The next best thing is through savings. Ang pinaka-worst ay kung mangungutang para may panggasta sa mga luho sa buhay.
- Joining investment scam – Greed
Sa hirap ng buhay ngayon at sa kagustuhang magkaroon ng maginhawang pamumuhay agad, marami ang nabibiktima ng investment scams. Maliban dito, marami ang kulang din ang kaalaman sa pag-iinvest.
Madaling mabiktima ng investment scam ang mga gahaman dahil madali silang masilaw sa pera. Ang mga mahilig sa “get rich quick schemes” ay madali ding naloloko.
Yung mga taong alam na scam ang sinasalihan nila at sila ang nangunguna dito ay mas malaki ang kasalanan. Yumayaman sila sa pamamagitan ng panloloko at pag take advantage sa kakulangan ng marami sa investments.
Lagi kong inuulit-ulit na ang pinakamablis na paraan ng pagyaman ay kung magdadahan-dahan. Kapag nabibigyan natin ng panahon ang decision making process, bumababa ang tsansang magkamali tayo at tumataas ang tsansa sa tagumpay.
- Money decisions based on emotions – Lust
Kapag tayo nagpapadala sa ating emosyon, maaring hindi magiging maganda ang kalalabasan ng ating mga financial decisions. Dahil sa pagnanasa nating mabilis na masolusyunan ang mga problema ng ating pamilya o kaibigan, emosyon ang pinaiiral natin sa ating mga financial decisions and behaviors.
Gamitin natin ang ulo imbes na puso kapag pera ang pinag-uusapan. Money matters is best decided with a clear head. Iwasang mag-desisyon kapag puno pa ng emosyon ang ating puso.
Mga emosyong sagabal sa financial success.
- Savings and investment postponement – Sloth
Katamaran ang isa sa mga dahilan kung bakit mababa ang ating active income. Kailangan nating magpawis at mabanat ng buto para dito.
Ang active income kasi ang panggagalinhan ng savings at investment natin. Kung ipagpagpapaliban natin ang dalawang ito, we are not taking care of our financial wellbeing.
We should actively seek information to increase our financial knowledge. Tapos, dagdagan natin ito ng practice para mag-improve ang ating financial skills.
Here’s a discount code for you to get 90% discount in any of my online courses. Yes, you saw that right, 90% discount. This is my way of helping you increase your financial knowledge if you need it.
Discount code: 90MVR2019
- Not acknowledging financial mistakes – Pride
Laging tatandaan na tayo ay tao lamang. We all commit mistakes. So, learn to recognize mistakes at baguhin ang behavior. Huwag pairalin ang pride.
Isang magandang halimbawa dito ang pagkakaroon ng VUL (Variable Universal Life) or investment-linked insurance. Mataas ang premium nito kumpara sa insurance coverage na ibinibigay pero ayaw pa rin nating bumitaw dito.
Double whammy kasi sa mataas na ibinayad, wala o napakaliit ng pag-uumpisahang fund value. That’s why I always emphasize Buy Term and Invest the Difference (BTID) strategy.
Learn to forgive yourself when you commit mistakes. Kapag nag-overspend, try bumawi at mag-save naman nang husto. Ang mahalaga you are taking steps to improve your financial wellness.
Practice makes perfect
Pagbabagong buhay ang solusyon kapag tayo ay nagkakasala. Ganoon din sa ating mga financial sins, kailangan nating magbagong buhay para sa ikabubuti natin.
We have to start somewhere. Surround yourself with people who could help you avoid these deadly financial sins.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management