was successfully added to your cart.

Cart

Working abroad

Usapang Pera S01E06

“Bye JP! Bye Yula! Ingat kayo diyan.”

“Bye! Nakiki-bye ako”

“Oo nga eh.”

“Sino ‘yun?”

“Mga kaibigan ko, sa Singapore.”

“: Oh, wow. Mga nag-abroad.”

“Ang dami talagang mga Pilipino all over the world, ‘no?”

“Right. It’s about approximate 8 to 10 million Filipinos.”

“Wow!”

“‘Yan ‘yung estimate.”

“Kapag nag-abroad ka ba, meron kang time frame na dapat nasa utak mo ‘yan o ganitong taon lang ako aalis ng Pilipinas ta’s, babalik ako?”

“Oo tama, Venus, meron niyan ‘no? Ang tinatawag diyan ay “Migration Process,” ‘no? And this actually refers to the economic migrants. ‘Yang mga nag-migrate dahil naghanap ng trabaho, okay? At ang maximum number of years para sa economic migration ay 10 years.”

“Ten years.”

“Yes, medyo matagal pa rin, ano? Isang dekada ‘yon, oo!”

“Oo, ang tagal nga.”

“The three stages of the Migration Process are: the Beginning which lasts for 1 to 2 years. The Medium Term, which lasts for 2 to 3 years. And the Long Term, which lasts for 3 to 5 years.”

Patuloy ni Sir Vince, “So the first stage is the Beginning Stage, which lasts for about 1 to 2 years. Ang nangyayari dito ay ‘yung migrant is paying off the debt, for going abroad. Pinagbabayad ng utang para sa pag-aaboad.”

“Oo, ‘yung mga placement fees— ”

“Mga placement fees, mga plane ticket, ganyan ‘no?”

“Tapos ‘yung second naman which is the Medium Term, this lasts for about 2 to 3 years, at ang main concern ng migrant dito ay maka— ”

“—pagbigay siya, at least, ng basic needs doon sa family, ‘no?” dagdag ni Sir Vince.

“Naiwan sa Pilipinas. At ‘yung pangatlo naman ay End Term, which is about 3 to 5 years. At dito na talaga nakakaipon for the financial goals or the dreams of the household,” patuloy niya.

“Ano ba ‘yung mga tips para mas, kumbaga mas mapaiksi ‘yung pag-stay nila abroad at makabalik sila agad sa Pilipinas with their family?”

“Kapag nag-abroad sila, ang maigi dapat ay ma-establish nila, mapag-usapan with the  family members, ano ba ‘yung dahilan ng pag-aabroad.”

“Oo, nga.”

“Ano ‘yung financial goal, okay? Kasi kung malinaw iyon, at hindi siya magbabago, mas mapapdali ang pag-uwi ni Mama, o ni Papa, from abroad para magka-sama-sama ulit ang pamilya.”

“Paano ‘yon, minsan, kapag nasa abroad ‘yung tatay o ‘yung nanay, pero ‘yung mga naiwan sa Pilipinas parang umaasa na lang. Hindi na rin nagtatrabaho.”

“Kaya nga e, ‘no? Ganyan nga actually ‘yung malungkot na nangyayari. So, ang ginagawa kong rule diyan na batayan para sa mga pamilyang nag-aabraod: ‘Yung mga gastusin dito sa Pilipinas, na needs ng pangangailangan tulad ng kuryente, tubig, pagkain, ganiyan, dapat galing ‘yan sa income na sa Pilipinas.”

“Ah, okay, okay.”

“Tapos, ‘yun naming para sa dreams, ‘no? Para sa pag-aaral ng mga anak, para sa bahay, sasakyan, pang-negosyo, ganiyan—dapat manggaling sa income abroad. Sa Remittance. So sa ganitong paraan, ‘yung lifestyle ng mga nandito sa Pilipinas, hindi gaanong tataas.”

“Totoo.”

“Kasi ang nangyayari, kapag ‘yung remittance ang gagamitin para sa pang-tustos ng mga pangangailangan dito sa Pilipinas, tumataas ‘yung lifestyle at tumatagal ‘yung migration process.”

“Yes.”

vincerapisura.com


4 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: