was successfully added to your cart.

Cart

Understanding time deposits

Ang time deposit o TD ay karaniwan ding tinatawag na certificate of deposit o CD. Ito ay isang klase ng fixed deposit sa bangko.

“Fixed” deposit ang tawag dito dahil sumasailalim sa kasunduan na hindi gagalawin ang pera sa napagkasunduang term. Isang certificate of time deposit ang ibibigay ng bangko bilang patunay sa idinepositong pera.

Deposit term

Kadalasang isang buwan hanggang isang taon ang time deposit. Pero may mga bangkong nagbibigay ng mas mahabang panahon—lima hanggang pitong taon.

Kapag ang time deposit ay may term na lagpas sa limang taon, tax exempt na ito. Ibig sabihin, wala nang 20% withholding tax na ipapataw sa deposito.

Interest rate

Kapalit ng pagpayag na hindi gagalawin ang pera sa napagkasunduang term ng time deposit, nagbibigay ang bangko ng mas malaking interest rate kapalit nito.

Sa mga commercial banks, depende sa laki ng perang ide-deposito at tagal ng term, ang interest rate ay 0.38% hanggang 4.00% kada taon. Sa mga rural banks naman mas mataas ito – 2% hanggang 10% kada taon.

Deposit size

Inaakala ng marami na kailangang magkaroon ng malaking halaga para makapag-time deposit. Sa katunayan, halos lahat ng mga commercial banks nagsisimula ang amount para sa time deposit sa halagang PhP1,000 lamang.

Pre-termination

Ang isa sa mga madalas na maling akala sa time deposit ay hindi pupuwedeng makuha ang deposito kung hindi pa nag-mature ang term. Maaring i-pre-terminate ang time deposit anumang oras.

Kapag nag-pre-terminate ng time deposit meron itong penalty. Most of the time hindi naman maapektuhan ang perang idineposit dahil kadalasan ang penalty ay 75% ng interest rate na kikitain dapat.

Halimbawa, sa halip na 1.00% ang makukuhang interest rate, kung nag-pre-terminate, bababa ito sa 0.25%. Mainam pa ring linawin ang penalty sa pre-termination sa bangko bago pumasok sa time deposit.

Requirements to open time deposit

Para makapagbukas ng time deposit, kailangan mo munang magbukas ng savings deposit sa bangko at identification card na issued by a government agency. Walang fees at charges ang pagbubukas ng time deposit.

Insurance deposit

Insured ang time deposit sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) hanggang sa halagang PhP500,000. Ibig sabihin, kapag nagsara ang bangko mababawi mo ang time deposit mo hanggang sa halagang ito.

Collateral

Lingid sa kaalaman ng marami, maaaring magamit ang savings o time deposit as collateral para makakuha ng loan. Mahalaga itong paraan lalo na sa mga negosyante na nag-eestablish ng kanilang credit history.

Maximizing use of time deposit

Napakasimple ng time deposit kaya madali itong intidnihin. Pero dahil maliit ang interest na binibigay nito, gusto ng mga baguhang investors na tumalon agad sa mga mas komplikado o sophisticated na investment products.

Tandaan na safety, security and liquidity ang main features na maganda sa time deposit. So kung ang financial goal mo ay kinakailangang safe, secure and liquid tulad ng emergency savings; paglalagakan ng retirement fund kapag retired na; o budget sa pag-aaral ng anak na malapit nang mag-aral, time deposit ang isa sa mga investment options na dapat gamitin.

vincerapisura.com


10 Comments

  • Evangelina says:

    Hi sir vince ano naman po ang maxi saver??

  • Josh Acita says:

    Thank you po sir Vince. Malaking tulong po ito sa akin lalo nat diko po masyadong maintindihan Yung CD. Ahmm ask lang po ako sir Vince , since Fixed napo sya di Naba pwdeng mag add ako until mag end Yung term ko? If yes po, so mag deposit ulit ako?

    • Vincent Rapisura says:

      Hindi siya account an puwedeng mag-dagdag e. Ang mangyayari pag ganyan yung dagdag mo will have a separate certificate.

  • Sir Vince good day. Ask ko lang kung pwede ba magdeposit sa time deposit o talagang fixed amount lang ito at di pwu-pwedeng galawin hanggang sa maturity date nito?

  • Norelie Birtiz says:

    ano po ba yung maisusuggest ninyo n magandang rural banks for time deposits?

  • jeanelyn says:

    Sir Vince… kapag nag TD po ba ay mag kaiba ang pera s Saving at s ita-timedeposit mo

  • Mjane says:

    Ano ano pong mga bank ang mas mataas ang TD? Ang PNB po ba pwede rinag TD s worth 10k pesos? Salamt s pagsagot… God bless

  • Arceo says:

    sir vince pede dn po bng dagdagan ung pera n nilagay s time deposit? ex. my 100k aq n pera s bangko as time deposit tapos after few months gusto q dagdadagan ung nka TD o fixed n sya hngang mg mature ung term.

  • Salamat sa simpleng paliwanag ng time deposit. Sa North America, CD ang tawag sa TD. Maaari din ba itong maging collateral sa housing loan?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: