was successfully added to your cart.

Cart

Tips kapag ang housing loan application ay disapproved

By July 2, 2018 Loans, Pag-IBIG

Tirahan ang isa sa mga pangunahing pangarap ng mga Pilipino, maging ito ay bahay at lupa o condominium. Nakapagbibigay kasi ito ng feeling of security at isa sa itinuturing na basic needs for survival.

Sa taas ng mga bilihin ngayon, mahirap bumili ng bahay at lupa o condominium in cash. Most of us will have to apply for a loan – sa bangko, in-house financing, sa Pag-IBIG o kaya sa iba pang financial institutions. (Watch: Guide in buying a house)

Kaya marami ang naghahanap ng maaayos na housing loan para ma-afford ang inaasam na pangarap na pagkakaroon ng bahay. Pero hindi lahat ay pinapalad na ma-approve. Narito ang aking mga tips na dapat gawin kung na-disapprove ang iyong housing loan application.

Tanungin kung bakit

Ang una mong kailangang gawin kapag na-disapprove ang iyong loan ay magtanong kung bakit ito na-disapprove. Karaniwang hindi nagbibigay ng nakasulat na dahilan kung bakit disapproved ang loan, sasabihin lang nila na hindi ka nag-qualify sa loan.

Mag-set ng meeting sa bangko o sa financial institution at makipag-usap sa kinauukulan. Karaniwang tintingnan ang 5 Cs of credit: (Capacity) kakayahan mong magbayad, Collateral, (Capital) equity na ilalagay mo, Character at (Conditions) kakayahan mong itaguyod ang mga terms and conditions ng housing loan.

Isa-isahin ang mga ito sa pakikipag-usap sa agent o manager para mapaghandaan.

Tumingin ng mas abot-kayang bahay

Ayon sa mga kaibigan kong nagtatrabaho sa bangko at sa Pag-IBIG, ang karaniwang dahilan ng disapproval ay dahil sa kakulangan ng income para mabayaran ang loan.

Ang general rule ng bangko, ang loan amortization mo ay hindi dapat lalagpas sa 30% ng iyong gross income. Sa Pag-IBIG naman, hindi dapat ito lalagapas sa 40% ng iyong net disposable income.

Mas conservative naman ang akin, ang loan amortization mo dapat ay hanggang 20% lang ng iyong gross income. Marami ka pa kasing dapat paglaanan kaya hanggang 20% lang ang akin, bukod dito, mas mababa ang halaga ng bahay na makukuha, kaya makakatipid.

Ito ay alinsunod na rin sa aking housing loan rule. (Watch: Budgeting rule)

Para ma-approve ang loan, consider buying a more affordable house – yung abot-kaya at siguradong hindi magiging pahirap sa iyo.

Taasan ang downpayment

Tinitingnan din ng financial institutions kung gaano kalaki ang ibibigay mong downpayment o ang tinatawag na equity mo sa bahay. Kapag mas malaki ang equity na ilalagay sa bahay na bibilhin, nagbibigay ito ng magandang senyales sa magpapautang sa iyo.

Ito kasi ay isang patunay na may kakayahan kang mag-ipon, isang magandang sign na maayos kang humawak ng pera. Nangangahulugan din na mas mababa ang kakailanganin mong loan. Mas mataas na din kasi ang value ng collateral nang di hamak kaysa sa loan na hinihingi kaya pabor ito sa kanila.

Sikaping mag-ipon ng at least 20% minimum of the property that you intend to buy. Kung mas kaya mo pang lakihan, mas ok.

Establish credit history

Tinitingnan ng mga financial institutions lalong-lalo na ng bangko ang iyong credit history. Kasama na dito ang pagbabayad mo sa mga bayarin tulad ng tubig, kuryente, internet, cable, cellphone plan at iba pa.

Mapapansin na sa mga application processes na hinihingan ka ng mga statement of accounts ng mga ito para gawin nilang basehan sa credit investigation patungkol sa iyo. Bukod dito, tinitingnan din nila ang iyong employment history. Kapag palipat-lipat, nagbibigay ito ng negative signal sa kanila. (Read: Housing loan interest rates)

Tumingin ng bahay na may maayos na papeles

Kapag na-meet mo ang capacity to pay at iba pang requirements, baka sa collateral may problema. Ibig sabihin, may nakitang posibleng problema o komplikasyon ang financial institution sa bahay na nais mong bilhin.

Ituring itong due diligence check na ginawa nila para sa iyo. Siyempre, gusto mo na ang bibilhin mong bahay ay malinis at walang sabit. Kaya kapag may nakita sila, pagtuunan ito ng pansin at ire-evaluate.

Puwede kasing may komplikasyon sa titulo – baka may kaso silang nakita o baka naman ito ay mortgaged pa sa iba. Maraming dahilan nito kaya tanungin kung ano ang nakita nila para ma-aksyunan mo.

Kung hindi pa rin pumasa, I suggest that you look for another property for your own protection.

Kumuha ng co-borrower, co-maker o co-signer

Isang paraan din para ma-approve ang housing loan ay kumuha ng co-borrower, co-maker o co-signer. Ang ibig sabihin nito, hindi na lang ikaw ang tinitingnan sa application, isinasama na din ang co-borrower mo.

This could work to your advantage kung maganda ang 5Cs of credit ng co-borrower mo. Kung hindi, baka makasama pa ito sa iyo.

Mag-ingat kapag gagawin ito dahil mabigat ang obligasyon at kaakibat na responsibilidad para sa co-borrower. Gumawa ng kontrata at kasulatan at ilagay dito ang kasunduan tulad ng magkano ang ibibigay ng bawat isa pagbabayad at kung sino ang magmamay-ari ng bahay kapag nabayaran na ito. (Watch: Kahalagahan ng kontrata)

Weigh your options

Mamalengke sa iba’t ibang financial institutions para makita mo ang fit na housing loan terms and conditions para sa iyo. May pagkiling ako sa bangko at sa Pag-IBIG kaysa sa mga in-house financing dahil mas mababa nang di hamak ang kanilang interest rate. (Read: In-house versus bank financing)

Hindi katapusan ng mundo kung disapproved ang loan mo. Isipin na lang na practice ang pinagdaanan mo para mapaghandaan ito ng mabuti.

Iwasang mag-apura. Hindi pa huli ang lahat. Kapag nag-aapura, madalas namamali ang desisyon.

Relax and take your time.

vincerapisura.com


2 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: