Isa sa mga pangarap ng mga Filipino ay ang magkaroon ng sariling bahay. Nakapagbibigay kasi ng seguridad ang pagkakaroon ng bahay lalung-lalo na kung ito ay pagmamay-ari mo.
Halos lahat ng mga Filipino ay hindi kayang bumili ng bahay in cash kaya napakahalaga na magkaroon ng programa ang gobyerno ng loan sa pabahay upang maging abot-kaya para sa karaniwang Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng Pag-IBIG. (Basahin: Ang Pag-IBIG)
Puwedeng co-buyer o co-borrower ang hindi kamag-anak
Nitong January 9, 2018, inilabas ng Pag-IBIG ang Circular 396 kung saan nakalagay ang updated guidelines nito sa kaniyang end user home financing program. Ang nakakatuwa, ginawa nitong liberal kung sinu-sino ang pupuwedeng maging co-buyer at co-borrowe.
Maari nang maging co-buyer o co-borrower kahit sino. Dati kasi kinakailangang kamag-anak lang hanggang second degree of civil consanguinity o affinity ang maaring maging co-buyer o co-borrower.
Ayon sa Circular 496, maaring hanggang tatlo ang kasama sa pagkuha ng Pag-IBIG housing loan. Ang tawag dito ay tacked loans.
Pro-LGBT
Ang development na ito ay pabor sa mga kapwa ko LGBT. Dahil hindi kinikilala ng batas ang aming pagsasama ng aming mga partner, dati ay hindi kami mapapabilang sa second degree of civil consanguinity o affinity, kaya hindi kami puwedeng mag-loan sa Pag-IBIG gamit ang iisang real estate property.
Ngayon, puwede na kaming makakuha ng Pag-IBIG housing loan kahit hindi kami magkamag-anak o kinikilalang mag-asawa.
Pabor sa mga hiwalay sa asawa
Para sa mga hiwalay sa kanilang unang asawa at hindi pa ito annulled dahil mahal at wala namang divorce sa Pilipinas. Nagkakaroon ng second chance ang mga nagsasamang hindi kasal na maka-afford na makabili ng bahay dahil sa Pag-IBIG housing loan.
Ang boyfriend o girlfriend ng hiwalay na asawa ay maaring gawing co-buyer o co-borrower sa Pag-IBIG housing loan. Hindi na kinakailangan pang mag-antay nang napakatagal na annullment para magpakasal muli at mag-qualify sa dating rules nito.
Isasama ang monthly income ng lahat sa pag-approve ng housing loan
Sa pag-determine ng loan amount na maaring ibigay, kinukuha ang monthly income ng lahat na kasama sa tacked loan. Sa ganitong paraan, mas maganda ang maaring makuhang bahay dahil mas mataas ang loan na makukuha. (Basahin: Guide in buying a house)
Kailangang pumasa sa eligibility requirements
Siyempre, kailangang pumasa sa eligibility requirements ang mga kasama sa tacked loans. Dapat ay active member ng Pag-IBIG; hindi lalagpas ang edad sa 65 years old; updated ang bayad sa anumang loan program nito; at papasa sa background and credit investigation. (Basahin: Eligibility)
Ipapangalan sa lahat ng borrowers ang titulo at real estate mortgage
Kinakailangang ang makukuhang loan ng mga borrowers sa tacked loan ay gagamitin sa pagbili ng bahay, lupa o bahay at lupa.
Dapat ilagay ang pangalan ng lahat ng mga borrowers sa titulo ng mga ari-ariang ito pati na rin ang kaakibat na real estate mortgage (REM). Ang REM ay ang kontrata sa pagitan ng mga borrowers at ng Pag-IBIG na sasaklaw sa housing loan na makukuha
Maibibigay lamang ang titulo sa mga borrowers at mawawala ang REM kapag nabayaran na ng buo ang loan.
Tangkilikin ang Pag-IBIG
Sana ay tularan ng ibang ahensiya ng gobyerno ang ginawang pag-liberalize na ito ng Pag-IBIG. Marami kasing matutugunang problema sa lipunan sa mga ganitong magagagandang pagbabago sa pagbibigay ng serbisyo ng gobyerno.
Sir, ako po ay OFW na hiwalay sa asawa. Hindi po ba kailangan ng pirma ng dati kong asawa ang loan application?
pag na default po ba ang account affected po pati ung co borrowers?
Sir papaano ako maka pag loan dati na ako member ng pag ibig gusto ko sana ipagawa ang bahay namin.pero famiy house po ito bunso po ako sa magkakapatid
Ito po ang requirements: http://vincerapisura.com/eligibility-requirements-para-makakuha-ng-pag-ibig-housing-loan/
I quote, “4.1.4.a, the following conditions must likewise be met and
complied, as follows:
b.1 The purpose of the housing loan is either for purchase of
residential unit or lot, or purchase of lot with house
construction;”
I am confused, kung bahay o lupa, o lupa na papatayuan palang ng bahay ang pwedeng purpose ng housing loan kapag non-relative ang co-borrower. I am also part of LGBT at balak namin bumili ng bahay at lupa dito sa Pilipinas. Please clarify this matter po. Based sa explanation niyo pwedeng bahat AT lupa ang bilin? Thank you.
Yes, puwedeng bahay at lupa ang bilhin. =)