Sumulat ng financial plan
Nilalaman ng financial plan ang mga mithiin mo sa buhay at kung paano ito makakamit. Ito dapat ang iyong starting point.
Mahirap gumawa ng investment strategy sa BTID kung wala ka pang financial plan. Inilahad ko sa “Paano gumawa ng financial plan” ang mga instructions kung paano ito ginagawa.
May limang steps na dapat sundin sa paggawa ng financial plan. Ito ang mga sumusunod:
- Your financial starting point: Knowing where you are financially
- Set financial goals and priorities
- Decide on timeframe and a budget
- Match financial goals with source of income
- Implementing and monitor your progress
Dito mo kasi malalaman kung anong klaseng investment ang nababagay sa iyo. Narito ang ilan sa mga katanungang masasgot kapag ikaw ay gumawa ng financial plan.
- May kakayanan ka bang mag-absorb ng risk o wala base sa financial goals mo?
- Kakailanganin mo ba ang pera sa matagal o maikling panahon?
- Mahalaga bang madaling maging pera ang investment na pipiliin mo?
Sapat ba ang kikitain ng investment na napili mo para makamit mo ang iyong mga financial goals?
Bumili ng term insurance
As a general rule, hindi mo kinakailangan ng life insurance kung wala ka nang dependents. Ang pinakamahalaga na magkaroon ka ay health insurance dahil ito kadalasan ang may pinakamataas na gastusin sa panahon ng emergency.
Ang rough estimate ng life insurance na kailangan mo ay sampung beses ng iyong annual income kung ikaw ay may dependents. Inilahad ko sa “Magkano ang insurance na kailangan mo” ang detalye nito.
Kailangang mo din ng property insurance para sa iyong mga ari-arian. Napakarami ko nang naisulat tungkol sa insurance. Bisitahin ang “Insurance 101” kung saan nakalista ang mga articles ko about insurance.