Saan maganda ilagay kung may PhP100,000 na pang-invest?

Maraming nagtatanong sa akin kung anong puwedeng gawin sa maliit na halagang pera para i-invest. Pero minsan very challenging ang mga amounts na binibigay sa akin.

Kaya gumawa ako ng post na ito para mag-recommend saan ilalagay ang pera ng hindi naman masyadong maliit at hindi din naman kalakihan. Sa halagang PhP100,000 ano ang magandang investment?

1. Low cost housing for rental

Sa halagang PhP100,000 maari ka nang makapag-downpayment ng brand new unit sa low cost housing ng house and lot na nagkakahalaga ng PhP400,000. Gawin itong paupahan.

Upang magawa ito, kumuha ng loan sa PagIBIG. Ang interest rate para sa affordable housing loan ay napakababa –3% per annum lang.

Kung manghihiram ng PhP300,000 at babayaran ito sa loob ng sampung taon, ang monthly amortization ay nasa PhP2,800 lang. Samantalang sa mga low cost housing, ang kalakaran ng renta ay nasa PhP3,000 hanggang PhP3,500 na.

Siguraduhin lang na ang rental income na makukuha ay mas mataas kaysa sa loan amortization ng loan na kukunin. Ito ang cardinal rule sa rental property business.

Gusto ko ang ganitong investment dahil bukod sa may positive cash flow mula sa rental income, mayroon din itong capital appreciation in the long run.

 

vincerapisura.com


17 Comments

Leave a Reply

%d bloggers like this: