Sa halagang PhP100,000 maari ka nang makapag-downpayment ng brand new unit sa low cost housing ng house and lot na nagkakahalaga ng PhP400,000. Gawin itong paupahan.
Upang magawa ito, kumuha ng loan sa PagIBIG. Ang interest rate para sa affordable housing loan ay napakababa –3% per annum lang.
Kung manghihiram ng PhP300,000 at babayaran ito sa loob ng sampung taon, ang monthly amortization ay nasa PhP2,800 lang. Samantalang sa mga low cost housing, ang kalakaran ng renta ay nasa PhP3,000 hanggang PhP3,500 na.
Siguraduhin lang na ang rental income na makukuha ay mas mataas kaysa sa loan amortization ng loan na kukunin. Ito ang cardinal rule sa rental property business.
Gusto ko ang ganitong investment dahil bukod sa may positive cash flow mula sa rental income, mayroon din itong capital appreciation in the long run.
2. Franchise
Maari ring makakuha ng matino-tinong franchise sa halagang PhP100,000. Alalahanin lang na ang franchise ay isang negosyo kaya dapat itong tutukan at pag-aralang mabuti.
Sa pagpili ng franchise, kumuha ng malapit a sa iyong puso. Either may karanasan ka sa business model ng franchise o matindi ang paniniwala at pagtangkilik mo sa produkto.
Pumili ng mapagkakatiwalaang brand dahil ito ay mga tried and tested na. Maganda ring ikaw mismo ang magpatakbo ng franchise. Kung hindi naman ay kumuha talaga ng taong may kakayahang magpatakbo nito.
Kinakailangan ding matuto ng mga marketing strategies upang maging mabenta ang produkto o serbisyo ng iyong franchise.