Ang emergency fund or emergency savings ay ang first line of defense natin sakaling tayo ay tamaan ng sakuna o mga di inaasahang pangyayari. Kaya dapat ito ay liquid and accessible anytime.
Savings account with ATM
Ang pinaka-common na pinaglalagyan ng emergency fund ay sa isang regular savings account na may ATM. Ito ay para sakaling magkaroon ng emergency, agad na may perang maaring ma-withdraw.
Tandaan na ang main purpose ng emergency savings mo ay hindi upang ikaw ay kumita ng limpak-limpak na salapi. Ang main purpose nito ay accessibility in times of emergency. Ibig sabihin, always ready ang pera.
Time Deposit
Maari ding ilagay sa time deposit ang emergency fund. Contrary to popular belief hindi nababawasan ang pera mo kapag ni-withdraw mo ang time deposit na hindi natatapos ang term.
Lumiliit lang ang interest na kikitain nito.
Paano gumagana ang time deposit.
Ang ginagawa ko, ang three months worth of expenses ay nasa regular savings account with ATM samantala ang balanse na six months worth of expenses ay nilalagay ko sa time deposit para naman kumita ito nang mas malaki nang kaunti.
Nagagawa ko ito dahil alam kong may credit card naman akong maari kong magamit. PERO binabayaran ko ito nang buo pagdating ng billing statement. Hindi hinahayaan.
May health card din ako na siya namang puwedeng tanggapin ng mga hospital sakaling pagkakasakit o aksidente ang dumating na sakuna.
MP2 ng PagIBIG
Ang PAGIBIG ay ang national savings and affordable housing program ng gobyerno. Mas sikat lang ito as provider of home loans kaysa national savings program ng gobyerno.
May tinatawag na MP2 savings account. Ang MP2 kung saan ang mga miyembro ng PagIBIG ay hinihikayat na mag-impok gamit ito. Para itong time deposit na may five years na term.
Maituturing din itong liquid dahil maari mong mai-withdraw ang MP2 sa panahon ng emergency. Ang downside nito, hindi sing-accessible tulad ng bangko.
Kaya kung ito ay pipiliin, gawin din ang strategy ng paghahati katulad ng ginawa ko sa time deposit.
Government bond or treasury bills
Puwede ring ilagay sa government bonds or treasury bills ang iyong emergency fund. May mga retail bonds na ang gobyerno na maaring makapagsimula sa halagang PhP10,000 lamang.
Dapat matutunan kung papaano bumili at magbenta ng government bond or treasury bill bago ito pasukin para malaman kung ano ang prosesong dapat pagdaanan sakaling kailangan na itong ibenta.
Gayahin din ang strategy ko sa time deposit sa paghahati sa kung magkano ang ilalagay sa regular savings with ATM at sa government bonds.
Money Market Fund or Bond Fund
Maari ding ilagay sa money market fund or bond fund ang emergency savings. Maari itong makuha in the form of UITF or mutual fund.
Huwag papasilaw na ilagay ito sa equtiy funds. Magalaw kasi ang equity funds compared sa money market funds or bond funds. May tsansang baka maliit ang fund value ng equity fund at doon tatamaan ng sakuna o emergency.
Dahil hindi ito accessible anytime, maiging gayahin ulit ang paghahati katulad ng ginawa ko sa time deposit.
Mga iba’t ibang klase ng funds.