was successfully added to your cart.

Cart

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa pinakapaborito kong investment ay ang pagkakaroon ng investment property. Bukod kasi sa benign ang taxation nito, maganda din ang cashflow at tumataas ang property value overtime.

Pero, paano ba malalaman kung ang isang rental property business ay maganda o hindi? Ano ang standards na gagamitin para malaman ito.

Return on investment

Ang return on investment o ROI, ay ang panahon na gugulin upang mabawi ang kabuuang initial investment. Sa rental property investing, 8 years ang karaniwang ginagamit na measure for return on investment.

Ibig sabihin nito, mababawi mo dapat ang lahat ng ibinayad mo sa pagkakaroon ng rental property – except for the cost of land – sa loob ng walong taon. Mas maganda kung mas maikli pa ito.

Tinatanggal natin ang cost of land dahil maibebenta naman ito kung nanaisin at hindi ito kadalasang nagde-depreicate katulad ng ipinatayong istraktura mismo.

Sa ganitong tagal ng panahon, nasa 12.5% ang annual rate of return na i-tatarget natin.

Positive cash flow on the first year

Maganda din kung sa unang taon pa lang ay positive cash flow na sa rental property business. Ibig sabihin, hindi nag-aabono ang investor.

For example, kapag ang rental property ay ikinuha ng loan, dapat ang monthly rental income ay mas mataas kaysa sa monthly amortization ng loan. Sa ganitong paraan ma-aachieve ang postive cash flow.

Maraming mga condominium investor ang nadadale sa indicator ko na ito. Pakiramdam nila ay nakakamenos sila dahil kaunting abono na lang ang pambayad nila sa kanilang loan. Mali ang ganitong pananaw.

Para malunasan ito, one can consider extending the loan term o kaya naman ay lakihan ang down payment o kaya ay mag-advance payment para lumiit ang monthly loan amortization.

 

Property insurance 

Ang mga assets natin na kumikita ay kinakailangang covered ng property insurance para anuman ang mangyari, protektado ito and we can replace the property imediately. This is our means of mitigating losses sa mga bagay na out of our control katulad ng calamities, sunog at iba pang bagay.

Sa karanasan ko, ang property insurance ay naglalaro sa PhP1,000 per million of the insured property.

 

Enjoy long term returns 

Sundin ang mga pamantayan kong ito at siguradong aayos ang iyong rental property investment. May regular cashflow ka na, may maari ka pang maipamana sa mga mahal mo sa buhay in the future.

See also:

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: