Ang pagkuha ng present Value (PV) at Future Value (FV) ay isang halimbawa ng application ng Time Value of Money (TVM). Mas malaki ang halaga ng pera ngayon kaysa sa hinaharap dahil sa inflation at earning potential capacity.
Basahin ang “Konsepto ng TVM” upang mas maintindihan ito.
Ipinapakita ng future value kung magkano ang halaga ng pera ngayon sa isang takdang panahon sa hinaharap. Ang present value naman ay nagpapakita kung magkano ang halaga ng pera sa isang takdang panahon sa hinaharap ngayon.
Ang halaga ng pera ay maikukumpara lamang kung ito ay ihahambing sa parehong panahon. Magkaiba ang halaga nito kung ito ay ikinukumpara sa magkaibang panahon.
Pagkukumpara ng PhP1 milyon ngayon at PhP1 milyon tatlong taon mula ngayon
Halimbawang papamanahan ka ng PhP1 milyon. Gugustuhin mo bang matanggap ito ngayon o tatlong taon mula ngayon?
Alin ang pipiliin mo?
Madali itong sagutin dahil siyempre, gusto na nating mahawakan ang pera ngayon na. Pero bukod dito mas gugustuhin natin matanggap ang PhP1 milyon ngayon dahil sa inflation at dahil na rin maari pa nating mapalago ito.